Walang maaga o late sa pagiging isang magulang. Nasa early 20s o late 30s man, naisasakatuparan talaga ang kahilingang magkaroon ng baby kapag ramdam na nating handang-handa na tayo sa responsibilidad at duties na kaakibat ng pagiging parents.
Credit: @bianca_king Instagram
Kung karamihan sa atin ay gustong makabuo ng sariling pamilya sa edad na 20 pataas, mayroon namang iilan na nais mag-focus muna sa kanilang sarili at gawin ang mga bagay na talagang nagpapasaya sa kanila katulad na lamang ni Bianca King na mula sa kanyang dalaga days hanggang ikinasal sa kanyang non-showbiz partner na si Ralph Wintle ay wala talaga siyang pinalampas na pagkakataon dahil patuloy lang naman siya sa pag-pursue sa kanyang career sa showbiz at paggawa sa lahat ng mga bagay na nais niyang gawin sa buhay.
Kung showbiz lang naman ang pag-uusapan, isa si Bianca sa mga iconic na aktres sa industriya ng showbiz. Bida o kontrabida man, hindi talaga kailanman binigo ng aktres ang mga manonood at fans dahil sa bawat panahong lumilipas, patuloy lamang siya sa pagpapatunay sa kanyang talento sa pag-arte. Sa buong career ni Bianca, masasabi talaga na fulfilled ang aktres sa aspetong ito sa kanyang buhay kaya ngayong na-achieve na niya ang lahat ng kanyang goals, nais naman niyang isakatuparan ang pangarap nila ng kanyang asawa na maging parents ngunit sa kadahilanang lagpas 30 na sila, inamin ni Bianca na muntik na siyang sumuko pero tila’y may plano talaga ang Panginoon para sa couple dahil kumakailan lamang, ibinalita ng aktres na ipinagbubuntis na niya ang kauna-unahang baby nila ni Ralph!
Credit: @bianca_king Instagram
Sa update ni Bianca sa kanyang Instagram account, ibinalita ng aktres na magiging parents na sila ng kanyang asawa.
“It was a long journey to get here. It was not easy – being in our mid-late 30s. I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened,” sulat ni Bianca sa unang bahagi ng kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang larawan nila ng asawa kung saan ay makikita ang baby bump ng aktres.
Credit: @bianca_king Instagram
Dagdag ni Bianca, “It was a long journey to get here. It was not easy – being in our mid-late 30s. I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened.”
Credit: @bianca_king Instagram
At dahil matagal din nilang hinintay ang pagkakataong ito, sobrang confident ang aktres na magiging dabest parents sila ni Ralph.
The post Bianca King at ang kanyang non-showbiz na asawa na si Ralph Wintle, magiging parents na! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment