Simula nang pumasok sa mundo ng showbiz at sumabak sa pag-arte si Francine Diaz, kaagad niyang nabihag ang atensyon at puso ng mga tao dahil sa sweet niyang personality pero hanggang tumatagal, tila’y unti-unti na ring nahuhulog ang mask ng batang aktres at ipinapakita ang kanyang tunay na ugali sa pamamagitan ng attitude at pakikitungo niya sa kanyang staff, guests o kapwa celebrities.
Credit: Francine Diaz YouTube
Sa vlog na ibinahagi ni Francine nito lamang nakaraang Sabado, ibinalita niyang official na niyang mami-meet ang grupo ng Beks Batallion na binubuo nina Lassy Marquez, MC Calaquian, at Chad Kinis. Pagkukuwento ng aktres, gusto umano ng trio na mas makilala pa si Francine bago nila umpisahan ang napagkasunduan nilang collaboration, napagdesisyunan ni Francine na lagyan ito ng twist kung saan ay pinaniwala niya ang trio na maldita siya sa totoong buhay.
Mula sa pinakauna niyang biktima na si Chad Kinis, walang patumpik-patumpik ang aktres sa pag-switch sa kanyang maldita mode. Upang hindi kaagad mabuking na prank lamang ang pagsusungit niya, kasabwat din niya ang kapwa aktres na si Giselle Sanchez na sobra namang game sa nakakatuwang prank na ito ni Francine lalo na’t paniwalang-paniwala talaga si Chad.
Credit: Francine Diaz YouTube
“First time ko kasi na-meet si Francine. Sabi ko, pagpasok ko kanina ‘Ay! Hindi nakangiti si Francine’ eh nakikita ko siya dati parang ang bubbly bubbly naman ng batang ‘to,” komento ni Chad nang hindi na natiis ng aktres ang pagmamaldita.
Credit: Francine Diaz YouTube
Katulad ni Chad, nalinlang din ang iba pang miyembro ng Beks Batallion ni Francine na si Lassy at MC na magkakasunod na dumating sa dressing room dahil sa tuwing nagsusungit ang aktres, sobrang obvious talaga sa mukha ng mga komedyante na hindi sila makapaniwala na taliwas pala sa kanilang magandang impression ang ugali ni Francine pero sa kasagsagan ng prank, pasensyoso at patuloy pa rin naman sa pagpapatawa si Lassy at MC hanggang ibinunyag na nga ng aktres at ni Chad na biro lamang ang lahat.
Credit: Francine Diaz YouTube
Kahit na’y totoo man na magaan ang kanyang personalidad at isa talagang mabait at sweet na bata sa harap at likod ng kamera, nakeri pa rin ni Francine ang kanyang pagsusungit at matagumpay na napaniwala ang Beks Batallion!
The post Francine Diaz, nagtaray at nag-attitude sa unang pagkikita nila ng Beks Batallion bilang pagprank sa grupo appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment