Hindi talaga lahat ng tao ay mapalad sa buhay. Kung karamihan sa atin ay lumaking may privileges na makapag-aral, may iilan din naman na dumadaan sa grabeng struggle dahil sa kanilang sitwasyon. Minsan sa sobrang hirap, napipilitan na lamang silang sumuko sa pag-aaral upang maibigay ang buo nilang atensyon sa trabaho upang patuloy na matustusan ang lahat ng kanilang mga pangangailangan.
Credit: News5 Facebook
Marahil ay marami na tayong nalalamang storya tungkol sa mga taong kinailangang huminto sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay ngunit sa tuwing nakakarinig tayo ng ganitong klaseng mga kuwento, hinding-hindi pa rin talaga tayo nabibigong mapabilib nito dahil tunay nga naman kasing inspiration sila para sa lahat na abutin ang lahat ng mga pangarap natin sa buhay katulad na lamang ni Benjie Estillore, isang 52 taong gulang na estudyante sa umaga, Grab driver naman sa gabi.
Ngayong unti-unti nang bumabalik sa traditional na class ang karamihan sa mga paaralan, maraming magagandang balita ngayon ang lumalaganap tungkol nito ngunit ang talagang umagaw sa atensyon sa publiko ay ang larawan ni Benjie Estillore kung saan ay makikitang nakasuot siya ng uniporme at nakahawak ng placard na may sulat na “Grade 12” at ang section na kinabibilingan niya.
Sa documentary na handog ng One Man Production, featured si Benjie kung saan ay ikinuwento niya ang kanyang sitwasyon bilang isang SHS student at bilang isang Grab driver.
Ayon kay Benjie, maaga umano siyang naulila kaya upang mabuhay, natuto na siyang magbanat ng buto sa napakamurang edad. Bagama’t sobrang determinado man na makapagtapos sa pag-aaral, hindi kaya financially ni Benjie na patuloy na tustusan ang sarili kaya hanggang Grade 7 lamang ang kanyang natapos.
Ngayong may asawa na at 52 anyos na, naniniwala pa rin si Benjie na hanggang may buhay ay mag pag-asa kaya sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS), nasa huling baitang na siya ngayon ng Senior High School.
Credit: Benjie Estillore Facebook
Kahit na’y abala rin sa kanyang trabaho bilang isang Grab driver, maayos namang nama-manage ni Benjie ang kanyang oras dahil matagumpay lang naman niyang nagagawa ang lahat ng kanyang mga gawain sa skwela. Sa katunayan, hindi lamang siya isang average na estudyante dahil kabilang din siya sa With Honors!
Malaki man ang agwat sa edad sa pagitan niya at sa kapwa niya hayskul students, hindi naman kailanman na-discourage si Benjie Estillore. Imbes, mas napupunan pa ang kanyang determinasyon na makapagtapos sa pag-aaral.
The post Kuwento ng isang 52 taong gulang na Grade 12 student at Grab driver, umantig sa puso ng netizens! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment