Kakaiba talaga kapag super nag-eenjoy sa life dahil mababakas talaga sa mukha ng isang tao ang kasiyahang labis niyang nararamdaman.
Credit: @solenn Instagram
Bawat isa sa atin ay may sariling mga bagay na pinaghuhugutan natin ng happiness. Marahil ay dahil sa passion, trabaho, pamilya, presence ng mga mahal natin sa buhay o hindi kaya’y dahil sa excitement na makilala ang bagong miyembro sa pamilya katulad na lamang ni Solenn Heussaff na kasalukuyan ngayong ipinagbubuntis ang ikalawang anak nila ng asawa na si Nico Bolzico.
Matatandaan nito lamang buwan ng Hulyo nang masayang inanunsyo ng couple na muli silang magkakaroon ng isa pang chikiting. Nang nabalitaan ito ng netizens, marami ang napasabi na ito umano ang dahilan kung bakit extra blooming ngayon si Solenn.
Credit: @solenn Instagram
Mapapansin naman sa looks ng magkapatid na si Solenn at Erwan Heussaff na mukhang nasa genes na talaga nila ang pagiging maganda at gwapo pero ngayong buntis ang Kapuso aktres sa ikalawa niyang anak, mas lumitaw pa ang kanyang beauty samahan pa ng kanyang daring at stunning na photoshoots na pinapaulanan ngayon ng sandamakmak na positibo at magagandang comments ng fans.
View this post on Instagram
Simula nang opisyal na isinapubiko ng mag-asawang si Solenn at Nico Bolzico ang pagkakaroon nila ng ikalawang baby kasunod sa panganay nilang anak na si Thylane Katana, open naman sa kanyang pregnancy journey ang aktres. Maliban sa kanyang updates patungkol sa check-ups, patuloy din sa page-flex ng kanyang baby bump si Solenn at habang lumalaki ang kanyang tiyan, tila’y mas nade-define naman ang kanyang natural na beauty.
Sa recent sa posts ni Solenn sa kanyang Instagram account, magkakasunod ang pagbabahagi ng aktres sa kanyang mga larawan. Dahil sa pagiging blooming ni Solenn, marami sa netizens ang tumatawag sa kanya bilang “goddess”. Sino ba naman kasi ang hindi mapapasabi na diyosa ang preggy Momshie lalo na’t kitang-kita naman sa kanyang looks ngayon ang labis na pagkakahalintulad niya sa isang goddess?
View this post on Instagram
Bagama’t hindi man easy ang pagbubuntis, effortless naman itong natitiis ni Solenn Heusaff. Kung iilan sa mga preggy Momshie ay pinapangunahan ng kaba at takot, happy at sobrang excited naman ang aktres na ma-meet ang bagong miyembro sa kanilang pamilya at marahil ay ito mismo ang dahilan kung bakit sobrang blooming niya ngayon!
The post Solenn Heussaff, blooming sa kanyang ikalawang pregnancy! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment