Wednesday, September 21, 2022

Andi Eigenmann, sumabak sa kanyang pinakaunang surfing competition sa Siargao!

Kung may mga taong ipinanganak na may natural na talent sa sports, may mga tao rin namang natututo at isa na nga sa mga ito ay si Andi Eigenmann na pinatunayang kayang-kaya rin niyang makipagsabayan sa kanyang fiance at mga chikiting sa larangan ng surfing!

Credit: @andieigengirl Instagram

Sikat na talaga sa mundo ng showbiz ang pamilyang Eigenmann dahil karamihan sa kanila ay mahuhusay at iconic na mga artista na minsan nang pinabilib ang mga manonood sa kanilang talento sa pag-arte. Marahil ay dahil sa influence, sumunod din si Andi Eigenmann sa yapak ng kanyang ina na si Jaclyn Jose, isa sa mga magagaling na aktres sa kanyang generation na hanggang ngayon ay kilala pa rin sa industriya pero hindi naman nagtagal nang nadiskubre ni Andi na mas gusto niya ng ordinaryo at simpleng buhay dahilan kung bakit mas pinili niyang manirahan sa isla ng Siargao kasama ang kanyang fiance na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga chikiting na sina Lilo at baby Koa.

Isang professional na surfer si Philmar Alipayo at dahil sa kanyang kahusayan sa napiling sport, ilang beses na rin siyang nagwagi sa sinalihang competitions. Dahil sa kanyang pagkahilig sa surfing, nagkaroon din ng interes ang mga chikiting nila ni Andi dahil sa napakamurang edad, para na silang pro sa pagmamaniobra ng surfboard.

Credit: @andieigengirl Instagram

Dahil sa pagkahilig ng fiance at ng kanilang mga chikiting sa surfing, mas nagkaroon ng motivation si Andi na matuto at matapos ang kanyang training sa gabay ni Philmar, kayang-kaya na niya ngayong makipagtagisan ng galing. Sa katunayan, kasalukuyan ngayong kasali si Andi sa 7th Pacifico Local Surfing na competition sa San Isidro, Siargao kung saan ay masaya niyang ibinalita kumakailan lamang na matagumpay siyang nakapasok sa Round 2.

Sa mga larawang kuha ng surf photographer na si Pabst Camingue na ibinahagi naman ng dating aktres sa kanyang Instagram stories, mapapansin sa expression ni Andi kung gaano siya nag-eenjoy sa ginagawa lalo na’t ito ang pinakauna niyang competition.

Credit: @andieigengirl Instagram

“I joined my first comp today, and made it to Round 2!hihih sooo happy!” sulat ni Andi sa kanyang caption.

Bagama’t ito man ang pinakaunang sinalihang competition ni Andi, matagumpay naman siyang nakapasok sa Round 2 at patuloy na pinatutunayan sa madla ang bunga ng kanyang pagsisikap na matuto at mas mapahusay pa ang sarili sa larangan ng surfing.

The post Andi Eigenmann, sumabak sa kanyang pinakaunang surfing competition sa Siargao! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top