Marami na tayong napanood at nasaksihang pr@nks sa mundo ng showbiz pero tila’y wala talagang makakapantay sa level na hatid ni Francine Diaz kapag siya na ang nagpapaandar sa kanyang kakulitan dahil kahit ang mga iniidolo nating hindi madaling naloloko ay matagumpay lang naman niyang napapaniwala pero sa paghihiganti na ginawa ni Wil Dasovich, mukhang tapos na ang reign ng aktres bilang isang self-proclaimed na “master pr@nkster”.
Credit: Francine Diaz YouTube
Matatandaan kumakailan lamang ang pagkalat ng balita tungkol sa pagmamaldita ni Francine Diaz sa Beks Batallion pero hindi lang pala sila ang tanging biktima ng batang aktres dahil ilang beses na rin niyang nabiktima ang kanyang sariling pamilya, manager, staff, at marami pang iba. At dahil marami na siyang nabiktima sa kanyang pr@nks, nais ng vlogger na si Wil Dasovich na gantihan si Francine upang maranasan din nito kung ano ang feeling ng ma-pr@nk.
Sa vlog na ibinahagi ni Wil sa kanyang YouTube channel kumakailan lamang, mapapanood kung paano niya pinaghandaang mabuti ang pagpa-pr@nk sa batang aktres. At dahil aminado siyang hindi talaga siya magaling umarte at dahil na rin sa kanyang takot na baka mabuking kaagad siya ni Francine, humingi na ng tulong si Wil sa iilang staff at malalapit na mga kaibigan ng aktres.
Maliban nito, isa rin sa kanyang goal dahilan kung bakit sobrang eager niyang magtagumpay ay para mapatunayan kay Francine kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang master pagdating sa pr@nks.
“Papakita natin sa kanya kung sino talaga ang tunay na master pr@nkster,” sabi ni Wil.
Credit: Francine Diaz YouTube
Habang nasa kalagitnaan ng sho0t ni Francine para sa kanyang vlog kung saan ay sunod-sunod niyang tinatanong si Wil ng mga questions, sinigurado talaga niyang mapapansin ng aktres ang pagiging uncomfortable niya.
Credit: Francine Diaz YouTube
Sa muling pagbato ni Francine ng isang question, ipinalabas ni Wil na hindi umano siya na-brief sa tanong na ito dahilan kung bakit naguluhan ang aktres at napatingin na lamang sa kanyang manager hanggang naramdaman na nga niya ang labis na awkwardness at nag-walk out sa condo ni Wil.
Credit: Francine Diaz YouTube
Guilty sa ginawa at masaya ngayong nagtagumpay siya sa kanyang pr@nk, hinabol ni Wil ang aktres sa lobby at ‘dun na nga nalaman ni Francine na pr@nk lang pala ang lahat.
Credit: Francine Diaz YouTube
“That was really good. I’m a good pr@nkster. How dare you,” sabi ni Francine dahilan kung bakit todo ang hiyawan ng staff na saksi sa lahat.
The post Francine Diaz, nagulat sa naging reaksyon ni Wil Dasovich sa mga Q&A nila para sa vlog appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment