Tuesday, September 27, 2022

Isang Engineering graduate, kumikita ngayon ng higit P100k kada buwan sa pagbebenta ng cake

Bagama’t milestone man ang pagtatapos sa kolehiyo, namumulat naman tayo sa mas@kit na katotohanang parte na tayo sa realidad kung saan ay sobrang h@rsh at demanding ng bawat competition sa paghahanap ng trabaho na mas pinagdoble pa sa pagdating ng p@ndemic.

Credit: Philippine Star Facebook

Tunay nga na isang achievement ang pagtatapos sa kolehiyo dahil mas mapapalapit na tayo sa pag-abot ng ating mga pangarap sa buhay at sa wakas ay masusuklian na rin natin ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ng ating mga magulang ngunit hindi naman kailanman inasahan ni Danica Lynne Casta na doble ang paghihirap na mararanasan niya sa paghahanap ng trabaho sa kalagitnaan ng p@ndemya.

Graduate sa kursong BS Construction Engineering si Danica pero dahil sa p@ndemya, hindi naging madali para sa kanya na maghanap ng trabaho kaya naisipan niyang maghanap ng temporary na pagkakakitaan at dito nga niya unang pinasok ang baking na nagsimula umano ‘nung ginawan niya ng cake ang kanyang pamangkin.

Sa recollection ni Danica, “Father’s Day” umano nang una niyang ibinahagi sa social media ang kanyang bento cakes at sa hindi niya pag-aakala, sobrang dami umano ng nag-order hanggang nagtuloy-tuloy na nga ang kanyang tagumpay at kasalukuyan siya ngayong kumikita ng 6 digits kada buwan!

Bagama’t sobrang layo man sa kursong natapos ang pinagkakaabalahan niyang business ngayon, determinado at buong-buo naman ang dedication ni Danica sa ginagawa dahil hindi na lamang simple at basic na designs ang kaya niya dahil kering-keri na rin niya ngayon ang maraming complex na styles ng cake.

Sa pag-boom ng business ni Danica, minsan na niyang naging customer ang iilang sikat na personalidad sa showbiz katulad na lamang nina Jed Madela, Tiktok personality na si Sassa Gurl at Sofia Andres. Dahil sa media feautures, mas lalo umano na sumikat at nakilala ng karamihan ang kanyang business na labis namang ipinagpapasalamat ni Danica.

Malayo man sa engineering ang profession niya ngayon bilang isang full-time na baker, hindi naman kailanman pinagsisihan ni Danica kanyang naging desisyon lalo na ngayong sobrang successful ng kanyang business. Dahil dito, nagsilbi siyang inspirasyon para sa karamihan.

“For all na gustong mag-pursue dreams nila na malayo sa course nila, kung passion mo talaga ‘yung ginagawa mo, kung gusto mo talaga, push mo lang ‘yun,” mensahe ni Danica para sa lahat ng dreamers tulad niya.

Credit: Philippine Star Facebook

Kung noong una ay rejection ang naramdaman ni Danica sa paghahanap niya ng trabaho sa kalagitnaan ng p@ndemic, ngayon naman ay nadiskubre niyang redirection lang pala ito para sa katuparan ng kanyang mga pangarap sa buhay.

The post Isang Engineering graduate, kumikita ngayon ng higit P100k kada buwan sa pagbebenta ng cake appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top