Wednesday, September 21, 2022

Judy Ann Santos, sinabi ang dahilan kung bakit ayaw niya bumili ng mamahaling bag

Para sa iba, isang magandang investment ang pagkolekta ng mamahaling bag ngunit iwas naman ang nakakarami dahil sa mataas nitong presyo. Pero wala namang masama kung naisin natin magkaroon ng mamahalin or murang bag. Lahat tayo ay may kaniya kaniyang kagustuhan.

Credit: @officialjuday Instagram

Isa si Judy Ann Santos sa mas pinipiling manatili sa mga mumurahing bag, ngunit hindi niya ikakaila na gusto rin niya ng mga luxury bag.

“Mahilig ako, pero hindi ko kayang bumili. I mean, hindi kaya ng puso ko,” sabi niya sa isang interview sa website na pep.ph.

“Nanghihinayang ako sa pera. Kasi bag lang siya. Puwede naman ako sa bayong, o katsa bag, o sa eco bag. Kaya ko bumili ng branded na bag basta installment,” masaya niyang sinabi.

Credit: @officialjuday Instagram

“Iba-iba lang talaga tayo. Pero sa akin…bibili nalang ako ng pagkain, or ipaga-gas ko nalang ito sa sasakyan,” dagdag nito.

Ayon sa aktres, meron lamang siyang dalawang mamahaling bag na maipagyayabang. Ito ay ang kaniyang isang Hermès brown carry all at itim na Chanel classic flap bag. Isa sa mga kundisyon ni Judy Ann sa pagbili ng kaniyang gamit ay kung ito ba ay mapapamana niya sa kaniyang mga anak. Sa pagbili naman ng bag ito ang kaniyang mga kundisyon: ito ay installment, kasya lahat ng gamit, at neutral ang kulay.

Credit: @officialjuday Instagram

“May binili akong Hermès na bag. Tinanong ko [kung] pwede ba ‘tong installment. O pwede, so check. Tinignan ko muna kung kasya yung mga gamit ko. Kasya—o, check. Anong kulay? O, brown. Check na check! Napaka-neutral ng color niya: Kahit anong suot ko, pwede siya kasi hindi naman ako mapormang tao. Kailangan ko ng very neutral na bag.” sey niya

“Ang mahal mahal naman kasi. P400,000 para sa isang bag—Panginoong Diyos ko naman! Ang daming grocery na nun, ang daming truffle oil na nun,” masaya niyang sinabi.

Credit: @officialjuday Instagram

Matatandaan na aksidenteng bumili ang aktres ng truffle oil online na nagkakahalaga ng P50,000.

The post Judy Ann Santos, sinabi ang dahilan kung bakit ayaw niya bumili ng mamahaling bag appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top