Thursday, September 1, 2022

Marc Pingris, ibinahagi kung gaano niya na-appreciate ang buntis na asawang si Danica Sotto

“Mixed emotions na may kaba and excitement,” ‘yan ang paglalarawan ni Danica Sotto-Pingris sa kanyang third pregnancy.

Magkakaiba ang mga karanasan ng pagbubuntis dahil merong mga maselan kung magbuntis at meron din namang napakadali lang ng experience. Maraming sintomas na mararamdaman at ang iba naman ay di ito nararanasan.

Credit: @danicaspingris Instagram

Inanunsyo ni Danica at Marc Pingris ang muli nilang pagdadalang tao nito lamang Hunyo at sobra ang saya na idinulot nito sa mag-asawa. Nungit hindi madali ngayon ang pangatlong pagbubuntis ni Danica.

Sa kanyang post ng pregnancy update, sinabi nito na natapos na aniyang maramdaman ang mga unang sintomas katulad ng pagkahilo at sakit ng ulo. Naging madali na rin sa aktres ang pagkain ng kahit ano at unti unti na rin siyang nagkakalakas.

Aniya, “No more headaches and dizzy spells. Thank you Lord! I have more energy and can eat almost anything.”

Matagal na rin mula nung huli itong nagbuntis kaya naman hindi niya naiwasan manabik at maging emosyonal.

Credit: @danicaspingris Instagram

“Tagal na since my last pregnancy so I’m really feeling every symptom. Mixed emotions na may kaba and excitement,” sinabi nito.

Binahagi rin ng aktres na kapag ito ay natatakot, nireremind lamang niya ang sarili, na andyan ang Diyos na siyang magbibigay ng kalakasan at poprotekta sa kanya.

“Whenever I have anxious thoughts, I renew my mind because I know I’m not alone and that we have God as our guide and our source of strength.” pagbabahagi ni Danica.

Isang appreciation post naman ang binahagi ng asawa ni Danica na si Marc Pingris. Makikita sa larawan ang couple na nakanguso sa isa’t isa at nagpanggap naman si Marc na siya’y buntis habang may suot na pekeng baby bump.

Credit: @danicaspingris Instagram

“Masarap magkababy pero mahirap magbuntis, pero masaya. Love you my queen,” caption ni Marc.

Nag kumento naman ng kaniya kaniyang suporta ang mga artista at ang mga netizens para sa dalawa.

“Praying for you. “

“You got this sis!!! Ganda mo!!!”

Credit: @danicaspingris Instagram

“Take care hope you feel better soon.

“Congatulations and Goodluck sa new journey”

“Blooming mama!!!!! Whatever this pregnancy throws your way, kayang kaya mo yan!!! God’s got you!”

Siguradong excited na ang mag-asawang Marc at Danica sa nalalapit na pagwelcome nila sa karagdagang miyembro ng kanilang pamilya.

The post Marc Pingris, ibinahagi kung gaano niya na-appreciate ang buntis na asawang si Danica Sotto appeared first on Pinoy Online Portal.


Post Comments

No comments:

Post a Comment

Back To Top