Wednesday, September 7, 2022

Mga nakapanood ng interview kay Seth Fedelin, naiyak dahil sa kuwento ng buhay nito bago mag-artista

Hindi lahat ng kilala nating mga mayayamang tao ay nanggaling na talaga sa mayamang pamilya dahil iilan sa kanila ay minsan nang nakaranas ng labis na kahirapan at talagang nagsumikap sa buhay upang makamit ang tinatamasa nilang kaginhawaan ngayon.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Ilang beses na tayong nakarinig ng “rags-to-riches” na mga kuwento sa mundo ng showbiz pero sa tuwing may bago tayong nalalamang storya katulad nito, hindi pa rin talaga tayo nabibigong mapabilib nito dahil sa nakakaantig nilang kuwento kung anong klase ng buhay ang meron sila bago pa man pasukin ang pag-aartista katulad na lamang ng isa sa mga sikat na aktor at heartthrob ngayon na si Seth Fedelin na minsan na palang dumaan sa labis na kahirapan noong siya’y binata pa lamang.

Sa recent na interview kasama si Ogie Diaz, ikinuwento ni Seth ang naging buhay niya bago pa man siya napabilang sa “PBB Otso” noong taong 2018 at tuluyan na nga na pinasok ang mundo ng showbiz. Sa pagkukuwento ng aktor, minsan na umanong nakaranas ng pangmamaliit ang kanyang pamilya dahil sa trahedyang sinapit nila kung saan ay na-str0ke ang kanyang ama na humantong sa labis nilang kahirapan.

Ngayong malago na ang kanyang career sa showbiz at maayos na rin siyang nakakapag-provide sa kanyang pamilya, ayaw na ayaw ni Seth na muling makaranas ang kanyang pamilya ng pangmamaliit kaya talagang inuudyok niya ang kanyang parents na magkaroon ng pride sa kanilang sarili.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Bagama’t kulang man sa pera, malaking tulong naman ang experience ng kanyang ama sa physical therapy dahil gumawa umano ito ng “improvised pully” upang maibalik ang dating lakas sa katawan nito. Habang may str0ke ang kanyang ama, hindi umano kailanman nawala sa kanilang tabi ang nanay ni Seth na labis umanong ipinagpapasalamat ng aktor dahil bibihira umano ang ganitong klaseng mga babae.

Credit: Ogie Diaz YouTube

13 o 14 taong gulang pa lamang si Seth noong nangyari ito sa kanyang pamilya at aminado naman siyang mahirap para sa batang tulad niya na masaksihan ang ganitong klaseng sitwasyon pero labis naman ang pasasalamat niya dahil namulat umano siya sa reyalidad sa murang edad at mula ‘nun ay mas nagpursige pa siya sa buhay.

Credit: Ogie Diaz YouTube

“Hindi siya maganda na makita ng isang bata kasi masakit pero in the end, panis! Panis sa akin ‘yung ibang bata,” saad ng aktor.

Sa kabila ng kanyang karanasan, malaki naman ang pasasalamat ni Seth Fedelin dahil ito umano ang nag-shape sa kung sino siya ngayon bilang isang anak na dedicated sa kanyang pamilya at isang taong may may paninindigan sa buhay.

The post Mga nakapanood ng interview kay Seth Fedelin, naiyak dahil sa kuwento ng buhay nito bago mag-artista appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top