Hangga’t maaari, kakayanin! Ito ang prinisipyo na patuloy na isinasabuhay ng aktor na si Piolo Pascual dahil pinatunayan lang naman niyang hindi batayan ang edad at hindi hadlang ang pagiging busy sa trabaho para sumabak sa mga bagay na matagal na nating gustong gawin.
Credit: Piolo Pascual PH Facebook
Ikinakaligaya talaga ng mga artista ang pagkakaroon ng projects at opportunities sa showbiz pero kapalit din nito ay ang bibihirang pagkakaroon natin ng oras para sa sarili at paglalaan ng panahon sa mga bagay na nais nating gawin kaya sa tuwing may break, sinusulit talaga nila ito sa pamamagitan ng pagbabakasyon at pagsabak sa iba’t-ibang activities katulad na lamang ni Piolo Pascual na sinubukan ang diving kasama ang whales!
Sa likod ng gwapong mukha, charisma at pleasant na personality ni Piolo Pascual o kung tawagin ng karamihan bilang si “Papa P” ay ang pagkahilig niya sa whales at bagama’t gusto man niyang sumabak sa pagda-dive kasama ang mga ito, hindi naman ito madaling gawin para sa kanya dahil kasalukuyan ngayong abala ang aktor sa ongoing na shoot sa pinagbibidahan niyang teleserye na “Flower of Ev!l” kung saan ay kasama niya ang kapwa mahuhusay na mga artista na sina Lovi Poe, Paulo Avelino, Denise Laurel, at marami pang iba.
Credit: Piolo Pascual PH Facebook
Dahil sa pagiging busy ng aktor, palagi talagang napu-push back ang kanyang plano na sumabak sa diving upang makita sa personal ang whales pero kumakailan lamang, nagkaroon na rin siya ng sapat na panahon at bakanteng oras na inilaan niya sa kinasasabikang diving.
Credit: Piolo Pascual PH Facebook
Sa update ni Piolo sa kanyang official na Facebook account, ibinahagi niya ang maikling video kung saan ay mapapanood siyang lumalangoy habang napapaligiran ng whales.
“Bucket list ✅,” sulat ng aktor sa kanyang caption.
Credit: Piolo Pascual PH Facebook
Kasalukuyan ngayong patok sa mga manonood ang teleseryeng “Flower” at mapapansin naman natin ang improvement ni Piolo dahil sa kakaibang impact ng bawat scene na pinagbibidahan niya at hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na matinding effort ang ibinibigay niya para lamang makapagbigay ng amazing at impressive na performance kaya talagang deserve na deserve ni Papa P na magkaroon ng break at subukan ang bagay na matagal na niyang nais gawin.
The post Piolo Pascual, natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap na gawin at ito ay ang lumangoy kasama ang whales! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment