Kalakip ng kasiyahang nararamdaman natin sa tuwing naisasakatuparan ang ating pangarap ay ang excitement na walang mapagsidlan. Ito mismo ang nararamdaman ngayon ng “Star for All Seasons” na si Vilma Santos dahil habang hinihintay niya ang pagdating ng magiging apo ay may malaki na siyang pasabog para nito.
Credit: @rosavilmasantosrecto Instagram
Matapos malaman ng couple na si Jessy Mendiola at Luis Manzano na magiging parents na sila, hindi lamang sila ang labis na natuwa sa magandang balita dahil pati rin si Vilma Santos ay abot-langit ang kasiyahang nararamdaman sa katotohanang magiging Lola na siya!
Matagal na talagang hiling ni Vilma na magkaroon ng apo at ngayong ibinalita ng kanyang anak na si Luis at ng asawa nitong si Jessy na magkakaroon na sila ng baby, magkahalo talaga ang emosyong nararamdaman ng beteranang aktres dahil bukod sa kasiyahan, halos hindi na rin niya mapigilan ang kanyang excitement. Sa katunayan, may hinanda na nga siyang regalo para sa magiging apo na kung tawagin nilang si “Peanut” na kumakailan lamang ay ibinunyag niya sa kanyang latest na vlog.
Matapos ang pagsabak sa “Category Challenge” kasama si Luis at Jessy, ginulat ni Ate Vi ang couple nang ini-reveal niya ang kanyang regalo na UV sterilizer.
Nang makita ang bonggang regalo ng kanilang Momsky, natitiyak na umano kaagad ni Jessy na magiging Lola’s girl si Peanut.
Credit: @rosavilmasantosrecto Instagram
“Naku. Hindi pa lumalabas si Peanut, spoiled na,” saad ni Jessy.
Ayon kay Ate Vi, napili umano niyang ipanregalo ang UV sterilizer para kay baby Peanut dahil nais umano niyang lumaking malusog ang magiging apo lalo na sa estado ng environment natin ngayon.
“Ito na ngayon ang pina-kalatest. Kasi talagang pina-check ko ito if it’s safe. Sabi nila, this is the best now especially in the klase of the environment that we have. So, this is going to be very good for the baby,” ayon kay Ate Vi.
Credit: @rosavilmasantosrecto Instagram
Kahit na’y hindi pa man lumalabas si baby Peanut, tila’y wala na talagang makakapigil sa nararamdamang excitement ni Vilma lalo na’t magiging lola na siya at for sure, mas kaabang-abang na ang adorable at sweet na relationship sa pagitan ni Ate Vi at baby Peanut.
The post Vilma Santos, may bonggang regalo agad sa magiging apo kay Luis Manzano! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment