Kakaiba talaga ang kasiyahan na naibibigay ng mga bata sa ating mga matatanda dahil kahit wala man silang ginagawa o ‘di kaya’y simple lamang na tumatawa ay awtomatiko na nilang napapagaan ang ating damdamin kaya matapos ang mahabang araw, masarap talaga sa feeling kapag may sumasalubong sa atin na isang mala-anghel na baby dahil tunay nga naman kasing nakakapawi sila ng pagod.
Credit: @viycortez Instagram
Sa sandamakmak na Pinoy vloggers at influencers ngayon, isa ang couple na si Viy Cortez at Cong Velasquez sa mga nangunguna dahil hindi lang naman kasi purong kasiyahan at katatawanan ang kanilang naibibigay sa kanilang mga manonood at fans dahil hindi rin sila kailanman nabigo na makapagbigay ng inspirasyon at motivation dahilan kung bakit milyon-milyong tao talaga ang patuloy na sumusubaybay sa kanila.
Kung noon ay tanging si Viy, Cong, at ang Team Payaman lamang ang center ng attention sa kanilang bawat update at vlog, ngayon naman ay tila’y nadagdagan ang kanilang miyembro sa pagdating ni Zeus Emmanuel o kung tawagin nila sa palayaw nitong si baby “Kidlat”. Kahit na’y ilang buwan pa lamang simula nang ito’y isinilang at official na ipinakilala ng couple sa publiko ay matitiyak talaga na namana ni Kidlat ang qualities ng kanyang mga magulang lalong-lalo na ang pagiging bibo ng kanyang Daddy Cong.
Credit: @viycortez Instagram
Sa video na ibinahagi ni Viy sa kanyang Facebook page kumakailan lamang, mapapanood na karga-karga ni Cong si Kidlat habang abala naman si Viy sa pagkikiliti sa anak. Kung para sa karamihan ay isa lamang itong simple at cute na video ng isang magandang pamilya, captured naman ang priceless at wholesome na moment nito nang matagumpay na napatawa ng couple ang kanilang anak sa pinakaunang pagkakataon.
“Ito yung first time namin narinig na tumawa si Kidlat 🥹😍,” sulat ni Viy sa kanyang caption.
Matatandaan nito lamang nakalipas na mga buwan na sa tuwing featured sa camera si baby Kidlat ay madalas natin itong natatagpuang tulog kaya ngayong nasaksihan at narinig natin ang kanyang pagtawa sa unang pagkakataon, kaagad talaga niyang hinaplos ang ating mga puso.
Credit: @viycortez Instagram
Sa update na ito ng couple sa kanilang chikiting ay masasabi nang tapos na ang “tulog era” ni baby Kidlat dahil kaabang-abang na ang kanyang kulit at kabibohan days.
The post Anak ni Viy Cortez at Cong Velasquez na si baby Kidlat, agaw-pansin dahil sa kanyang cute na pagtawa appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment