Wednesday, October 5, 2022

Daniel Padilla at Kathryn Bernado, nagdaos ng Thanksgiving Party para sa mga solid fans ng KathNiel

Ang Kapamilya stars at celebrity couple na si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay nagdaos ng isang thanksgiving party para sa mga solid fans ng KathNiels kamakailan lang. Ito ay para sa ika-11 na anibersaryo ng kanilang tambalan na kilala bilang KathNiels.\

Credit: Star Magic Facebook

Ang espesyal na okasyon na ito ay makikita sa Star Magic social media accounts. Nariyan ang mga larawan ng dalawa kasama ang kanilang mga tagasuporta. Host sa event na ito sina KaladKaren at DJ Jhai Ho.

Muling pinasalamatan ni Kathryn at Daniel ang kanilang mga tagasuporta sa walang humpay na pagmamahal ng mga ito sa kanilang dalawa.

“Genuinely, gusto naming magpasalamat sa inyo because you guys give us inspiration, happiness, lalo na sa panahon na kami ay down, pagod at hindi naniniwala sa mga sarili namin. Kayo ang nagbubuhat sa amin,” sabi ni Daniel.

Credit: Star Magic Facebook

“Hindi enough ‘yung pasasalamat na ito. No words can explain how thankful we are talaga sa grabe niyong pagmamahal. Ang daming nagmamahal pero iba kayo magmahal. Paano niyo nagagawa yon? As in, iba talaga. Kaya maraming salamat,” dagdag naman ni Kathryn.

Matatandaan na unang nagpasalamat ang celebrity couple sa kanilang mga fans sa suporta at pagmamahal nito sa isang instagram post. Para kay Kathryn at Daniel, isa ang Kathniels sa pinaka importanteng mga tao sa kanilang buhay kaya patuloy silang nagsusumikap at pinagbubuti pa ang trabaho.

Credit: Star Magic Facebook

Nagsimula ang tambalan ni Kathryn at Daniel taong 2011 ng magkatrabaho ito sa isang seryeng pinamagatang “Growing up”. Sa simula pa man ay aminado na si Daniel na meron itong paghanga kay Kathryn.

Pumatok ang love team ng dalawa sa netizens kaya naman sunod sunod na ang mga proyektong pinagbidahan ng dalawa. Ilan dito ay ang ‘Got to Believe’, ‘Pangako Sa’yo’, at La Luna Sangre’. Bida rin ang dalawa sa mga movies katulad ng ‘Barcelona’ ‘She’s Dating a Gangster’ at ‘The Hows of us’. Ilan lang yan sa mga blockbuster movies ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Credit: Star Magic Facebook

Pinagbibidahan din ngayon ng dalawa ang teleseryeng “2 Good 2 Be True” na napapanood sa iba’t iba pang online platfrom.

The post Daniel Padilla at Kathryn Bernado, nagdaos ng Thanksgiving Party para sa mga solid fans ng KathNiel appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top