Tuesday, October 11, 2022

Denise Laurel, ikinuwento sa kauna-unahang pagkakataon ang istorya tungkol sa ama ng kanyang anak na si Davian Alejandro

Bagama’t kalakip man sa kasikatan ng mga celebrity ang exposure ng kanilang personal na buhay sa publiko, isa naman si Denise Laurel sa “lucky few” dahil matagumpay lang naman niyang naipaghiwalay ang buhay ng kanyang anak at ng “estranged” na ama nito sa spotlight.

Credit: @d_laurel Instagram

Mula pa man noon hanggang ngayon, hindi talaga kailanman kumupas ang kasikatan ng nag-iisang Denise Laurel sa industriya ng showbiz. Katulad ng karamihan sa kanyang kapwa celebrities, open naman ang aktres sa kanyang buhay sa likod ng kamera pero may iilang aspeto sa kanyang buhay na pinipili niya maging pribado lalo na kapag ang anak na niya ang pinag-uusapan.

Hindi naman sikreto sa publiko ang pagkakaroon ni Denise ng anak pero bukod nito, wala nang iba pang alam ang netizens tungkol nito hanggang napagdesisyunan nga ng aktres kumakailan lamang na ikuwento sa kauna-unahang pagkakataon ang storya tungkol sa kanyang anak na si Davian Alejandro at sa ama nito.

Credit: @d_laurel Instagram

Nito lamang Huwebes, October 4 ay ibinahagi ni Denise sa interview kasama ang vlogger na si Wil Dasovich ang kuwento tungkol sa isa sa pinakamasayang phase ng kanyang buhay at ito nga ay ang pagdating ni Alejandro sa kanyang buhay.

Ayon sa aktres, 23 taong gulang umano siya nang isinilang niya ang kanyang anak sa dating Italian-American boyfriend habang nasa peak siya ng kanyang career.

“I did have a boyfriend at that time… foreign dude. He pursued me for a long time but our relationship was actually very very short, and then came the best gift in the world,” kuwento ni Denise.

Of course, dahil sa kanyang murang edad, aminado talaga si Denise na natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang parents lalong-lalo na sa expectations ng karamihan pero sa kabila ng lahat ng ‘to, hindi naman umano kailanman sumagi sa kanyang isip na ipalaglag ang bata dahil kahit na’y wala man sa kanyang plano na magkaroon ng baby nang ganoon kaaga, alam naman ng aktres na gusto niya maging Mommy.

Credit: @d_laurel Instagram

Pagbabahagi pa ng aktres, minsan na umanong iminungkahi ng kanyang parents ang marriage pero kaagad naman itong tinanggihan ni Denise.

“We weren’t really together for long enough,” sagot ni Denise nang tinanong ni Dasovich kung gusto ba niyang magpakasal sa ama ng kanyang anak noon.

Credit: @d_laurel Instagram

Kahit na’y hindi man parte sa kanyang plano noon na magkaroon ng baby, malaki naman ang pasasalamat ni Denise Laurel na pinanindigan niya ang kanyang desisyon dahil ngayon, sobrang saya umano niya sa piling ng kanyang anak.

The post Denise Laurel, ikinuwento sa kauna-unahang pagkakataon ang istorya tungkol sa ama ng kanyang anak na si Davian Alejandro appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top