Kamakailan ay pinagdiwang ng Pacquiao Family ang ika-16 na kaarawan ng kanilang pangatlong anak na si Mary Pacquiao o kilala bilang si Princess. Pribado at simpleng dinaos ng Pamilya ang masayang selebrasyon na ito.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Sa instagram binati ni Jinkee Pacquiao ang anak nito. Unang ibinahagi nito ang maiksing video kung saan binalikan ni Jinkee ang mga lumang larawan ni Mary noong siya’y bata pa lamang hanggang sa ito ay magdalaga.
“Happiest Birthday my love! 💟 We love you so much! 😘😘😘😘,” caption ni Jinkee sa video.
May maiksing video ring ibinahagi si Jinkee kung saan makikita ang pribado at simpleng selebrasyon kasama ang kanilang pamilya at kamag-anak na naganap sa kanilang tahanan sa Makati. Sabay-sabay nilang kinantahan ng Happy birthday song at nanalangin para kay Mary.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Nagbigay naman ng sweet birthday message si Jinkee para sa anak nitong si Mary, kasama dito ang larawan kung saan sila ay magkasama.
View this post on Instagram
“Happy 16th birthday (Mary) I love you more than you’ll ever know,” mensahe ni Jinky sa anak.
Maraming netizens ang humanga sa simpleng selebrasyon ng pamilya Pacquiao. Nagiwan din ng pagbati ang mga ito sa comment section.
“Happy birthday (Mary) 🥰 stay God fearing , pretty and humble💙 God bless.”
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
“Happy birthday Mary ❤️Such a beautiful girl grabe ka buotan😍 “
“Happy birthday my dear Princess! Dalaga ka na….”
Si Mary ay ang pangatlo sa limang anak nila Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao. Active ito sa social media at may sariling Youtube channel. Katulad ng kaniyang ina ay mahilig din ito sa mga designer pieces. Hindi rin maikakaila ang galing nito pumili at galing magdala sa pananamit.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Ang ilan sa mga designer pieces na meron si Mary ay makikitang suot nito sa kaniyang mga instagram selfies.
Ang mga kapatid nitong sina Jimuel, Emmanuel, at Queenie ay aktibo din sa social media. Ang Bunso naman nilang si Israel ay laging makikita sa mga youtube vlog ng kaniyang mga kuya at ate.
The post Tignan ang naging pribadong 16th birthday party ng isa sa mga dalagang anak ni Manny at Jinkee Pacquiao appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment