Tuesday, December 13, 2022

Neri Naig at Chito Miranda, ipinakilala ang kanilang adopted daughter na si Pia sa publiko

Hindi naman kinakailangan na manggaling talaga sa katawan ng isang ina ang bata upang maturing ito bilang sariling anak dahil ang definition ng salitang “family” ay higit pa sa inaakala ng karamihan.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Hindi lamang kilala bilang wais na misis si Neri Naig at supportive na hubby naman si Chito Miranda dahil pareho rin silang transcendent pagdating usapang pamilya dahil pinatunayan lang naman nilang kahit hindi man mismong naggaling sa kanila ang kanilang panganay na si Pia ay itinuturing pa rin nila itong parang totoong anak.

Matatandaan nito lamang nakaraang taon nang unang ibinahagi ng “Parokya Ni Edgar” frontman na si Chito ang balitang “on the process” na ang adoption nila sa pamangkin ni Neri na si Pia o kung tawagin nilang si Ate P pero simula ‘nun ay hindi masyadong napag-uusapan ng couple ang tungkol nito pero sa interview kasama si Karen Davila nito lamang bago, sa wakas ay nag-open up na ang dalawa sa kanilang lumalaking pamilya.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Ayon kay Chito, blessing umano para sa kanilang pamilya si Pia dahil maliban sa pagkakaroon nila ng babaeng anak, napakabuting kapatid at Ate rin umano ni Pia kina Miggy at Cash. Ibinahagi rin ng singer-songwriter na halos hindi na siya makapaghintay na maging Miranda na rin si Pia.

“We consider her as a gift from God, from heaven kasi lagi namin sinasabi na some children are born of you, galing sa’yo, and sometimes God chooses the parents for them and I think that’s the role we’re playing. We consider her as a gift and she’ll be legally ours soon,” pahayag ni Chito.

Ayon sa wais couple, simula pa man noong una nilang nakita si Pia, kaagad na nila itong itinuring bilang totoong anak at kahit “on the process” pa rin ang adoption ay parte na ng Miranda family si Pia.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Since day one naman, she’s our daughter,” saad ni Neri.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Hindi naman porket hindi galing mismo sa mga magulang ang anak ay hindi na ito magiging parte ng pamilya dahil hindi naman kasi nasusukat ng kahit anong biological na relation o sa dugo ang pagturing sa isang tao na pamilya kundi ay pagmamahal na meron tayo para sa kanila at ito mismo ang nais ipaintindi ni Neri at Chito Miranda sa lahat.

The post Neri Naig at Chito Miranda, ipinakilala ang kanilang adopted daughter na si Pia sa publiko appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top