Puno talaga ng mapagmatyag na mga mata ang mundo ng showbiz kaya hindi na talaga bago para sa celebrities na makatanggap ng negatibong mga komento mula sa netizens. Kung ang wais na desisyon ay huwag na lamang pansinin ang bashers, may mga pagkakataon namang kinakailangan nilang i-address ang isyu na ibinabato sa kanila.
Credit: @iyavillania Instagram
Parehong icons sa industriya ng Pinoy showbiz ang couple na si Iya Villania at Drew Arellano kaya madalas talaga silang sentro ng atensyon. Hindi lamang sila sinusubaybayan ng karamihan sa kanilang hosting skills kundi ay pati na rin sa kanilang simpleng buhay bilang mag-asawa at mga magulang sa kanilang mga chikiting na sina Primo, Leon, Alana, at Astro Phoenix.
Maliban sa kanilang achievements sa career, tuloy-tuloy din ang couple sa pagbida sa milestones ng kanilang pamilya. Isa na nga sa mga ito ay ang pinagkakaabalahan nila ngayong Casa Arellano sa Taytay, Rizal.
Mula pa man noong nagkaroon ng groundbreaking ceremony ang pamilyang Arellano hanggang sa construction nito, madalas na talagang nagbibigay ng updates ang Kapuso host kaya nakasubaybay talaga ang netizens sa progress ng kanilang Casa Arellano.
Credit: @iyavillania Instagram
Sa latest na update ni Iya sa ipinapagawa nilang bahay sa Taytay, makikitang malapit na itong matapos. Sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram, ibinida niya ang iilang features sa Casa Arellano at ito ay ang kanilang malawak na space sa labas, play area, cozy na kitchen, at marami pang iba. Maliban sa mala-aesthetic na vibes ng kanilang bahay, sobrang sariwa rin ng hangin sa kanilang lugar plus napaka-perfect din ng kanilang view kung saan ay kitang-kita nila ang buong Metro Manila.
Sa Sydney-inspired na casa ng pamilyang Arellano, marami talaga ang bumilib sa kabonggahan nito kaya may iilan talaga na nagtaka at umalma sa pagtawag ni Iya sa kanilang bahay bilang “tiny home” gayong sobrang spacious at fancy nito.
“It baffles me that you call this a tiny home 😂. It’s a gorgeous place! 😍”
Credit: @iyavillania Instagram
“Congratulations! Plz don’t call it tiny coz it’s not.”
“Calling it a tiny home is an insult for those who actually have tiny homes, but anyways congrats on your not-so-tiny house.”
Kaagad naman na nagbigay ng explanation ang Kapuso host at celebrity momshie at ito ay ang paninindigan niya sa pagtawag sa Casa Arellano bilang “tiny home” dahil totoo umano itong maliit. Sa katunayan, nagmumukha lamang itong spacious dahil sa kawalan ng mga kwarto.
“The house itself is tiny! I promise! Not even trying to be humble 😂 The kitchen is outside and there are no rooms 🙂 but the house wasn’t designed to be lived in anyway so that’s okay,” paliwanag ni Iya.
Credit: @iyavillania Instagram
Dahil nito, marami talaga ang napatanong kung ano nga ba ang ibig sabihin ng “tiny home?” Ayon kay Ryan Mitchell na may akda ng librong “Tiny House Living: Ideas For Building and Living Well In Less than 400 Square Feet,” isa lamang itong konsepto at hindi literal na nangangahulugang maliit kundi ay “simplifying” at “downsizing”.
Maliit man o malaki, bongga man o hindi ay entitled talaga si Iya Villania sa kung paano niya gustong tawagin ang achievements ng kanyang pamilya sa buhay basta ba’t nakakapagbigay siya ng inspiration sa karamihan.
The post Iya Villania, ipinaliwanag ang kuwento sa likod ng pagtawag niya ng “tiny home” sa kanilang Casa Arellano sa Taytay! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment