Monday, August 22, 2022

Anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia na si Jazz, nag celebrate ng ika-14 na kaarawan

Masayang nagcelebrate ng ika-14 na kaarawan ang anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia na si Jazz nito lamang August 16. Masayang binati ni Jennylyn ang anak na si Jazz sa kanyang Instagram account na may kasamang larawan ng kanyang napakagwapong anak. Sinabi ni Jen sa kanyang post kung gaano niya kamahal ang kanyang panganay na anak. Idinagdag pa niya na hindi siya makapaniwala na 14 years old na ang kanyang panganay.

Credit: @mercadojenny Instagram

“Happy birthday, kuya Jazz! Can’t believe you’re already 14! We love you very much,” saad niya dito.

Nagkaroon noon ng relasyon si Jennylyn sa aktor na si Patrick Garcia at nagbunga ang kanilang relasyon noong taong 2008. Naghiwalay kalaunan sila Jen at Patrick kaya naman tumayong parehong tatay at nanay si Jen ng kanyang panganay na anak.

Kamakailan ay nagpakasal si Jen sa kanyang long time boyfriend at kapwa artista na si Dennis Trillo. Matatandaan na ikinasal ang dalawa nito lamang nakaraan na taon at Nabiyayaan ang dalawa ng isang napakagandang anak na babae na pinangalanan nilang Dylan.

Credit: @mercadojenny Instagram

May sarili na ding pamilya ang ama ni Jazz na si Patrick Garcia at meron na silang apat na anak.

Sa isang throwback picture naman sinabi ni Jennylyn na si Jazz ay ang “love of my life” niya at ang pagdating niya at ng kanyang baby girl ang pinaka magandang nangyari sa kanyang buhay.

“Happy Birthday to the love of my life, You and your baby sister are the best thing to every happen to me, Mahal na mahal kita, Jazz.” saad niya.

Credit: @mercadojenny Instagram

Bumuhos din ang pagbati para kay Jazz galing sa mga kapwa artista at mga tagasuporta ni Jennylyn. Bukod sa pagbati ay nagkomento din ang ilan sa agaw pansin na kagwapuhan ni Jazz.

“OMG so gwapo. Happy birthday Jazz.”

“handsome”

“Happy birthday to Jazz, wow how big and very goodlooking na Jazz is Jenn.. hugs to you and lovely fam!”

Credit: @mercadojenny Instagram

Nagkaroon man ng kaniya-kaniyang pamilya ang mga magulang ni Jazz na si Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, naging magkaibigan pa rin ang dalawa at marami na ring okasyon ang pinagsaluhan ang kani kanilang pamilya na magkakasama.

The post Anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia na si Jazz, nag celebrate ng ika-14 na kaarawan appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top