Monday, August 22, 2022

Philmar Alipayo, muling nakapiling ang panganay na lalaking anak na si Kanoa sa France!

Pagkatapos ng matagal na pagkawalay, muling nakita at nakapiling ni Philmar Alipayo ang panganay niyang anak na si Kanoa matapos ang mahaba-habang panahon nilang pagkawalay sa isa’t-isa!

Credit: @chepoxz Instagram

Maliban sa intense na pagkahilig ni Philmar Alipayo sa surfing, isa rin siyang mapagmahal na partner at responsableng ama sa mga anak. Masasaksihan naman ito sa updates ni Andi Eigenmann at vlogs na ibinabahagi ng “Happy Islanders” sa Youtube.

Katulad ng dating aktres na si Andi Eigenmann, mayroon ring anak si Philmar sa dati niyang partner at ito ay ang kanyang panganay na si Kanoa na kasalukuyan ngayong naninirahan sa France. Bagama’t malayo sa isa’t-isa, napapatatag naman ng mag-ama ang kanilang relationship sa pamamagitan ng constant nilang pagpapalitan ng mga mensahe o hindi kaya’y virtual na pagkikita sa tulong ng video calls.

Credit: @chepoxz Instagram

Sa mga pagkakataon at sitwasyong ito talaga natin mas na-aapreciate ang invention ng apps na nagsisilbing bridge ng communication sa mga mahal natin sa buhay na nakatira malayo sa atin. For sure, sobrang laki ng pasasalamat ni Philmar nito dahil sa pamamagitan ng video calls at messenger, nama-maintain niya ang magandang relationship kay Kanoa.

Of course, kahit na’y palagi namang nagkukumustahan, hindi pa rin maipagsasawalang-bahala ni Philmar ang nararamdaman niyang pangungulila sa anak kaya sa bakasyon ng “Happy Islanders” sa Hendaye, France kumakailan lamang, hindi talaga niya pinalagpas ang pagkakataon na muling makasama si Kanoa.

Sa kanilang bonding moment sa Plage d’Hendaye, kasama ng “Happy Islanders” si Kanoa kung saan niya na-meet ang kanyang mga nakababatang kapatid na sina Lilo at baby Koa. Sa mga larawang ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram page, makikita na magkasundong-magkasundo talaga ang mga bata at sobra pa nga na nag-enjoy habang bumubuo ng sand castle kasama si Ellie Eigenmann.

Credit: @chepoxz Instagram

Sa update naman ni Philmar sa Instagram, ibinahagi niya ang wholesome na moment nila ni Kanoa habang nasa daan pauwi sa bahay nito sa France.

“Walked him home ♥️,” sulat ni Philmar sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan nila ng anak at isang video kung saan ay makikitang pilit na inaabot at pinipitas ni Kanoa ang berries sa puno.

Maririnig din sa background ng video ang pagsasalita ng kanyang Daddy Philmar sa lenggwaheng French habang medyo mahiyain namang sumasagot ang kanyang anak.

Credit: @chepoxz Instagram

Kahit na’y palagi namang nagpapalitan ng update kapag nagkakausapan sa phone noon, tiyak na super dami pa rin ng na-catch up ng mag-ama lalo na’t ito ang una nilang pagkikita matapos ang mahabang panahon na pagkakawalay sa isa’t-isa.

The post Philmar Alipayo, muling nakapiling ang panganay na lalaking anak na si Kanoa sa France! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top