Monday, August 22, 2022

Kauna-unahang babaeng architect sa Pilipinas, nagdiwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan

Noong unang panahon, hindi lamang kahirapan ang isa sa mga hadlang na makapagtapos ng pag-aaral dahil isa ring malaking issue ang pagkakaroon ng gender stereotype na ang mga babae ay dapat nasa bahay lamang at hinahanda ang sarili na maging isang mabuting asawa at responsableng ina sa magiging mga anak. Sa kabila ng stereotype na ito, buong tapang na pinili ni Aida Cruz-Del Rosario na makapagtapos sa kolehiyo at makabuo ng sariling pangalan sa napili niyang karera!

Credit: City Government of Muntinlupa – OFFICIAL Facebook

Ipinanganak si Aida C. Del Rosario noong panahon ng pananak0p ng mga Amerikan0 at sa kabila ng lahat ng problemang kinakaharap ng pamahala@an noong kanyang kapanahunan, buong-buo talaga ang kanyang dedikasyon na makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Architecture sa Unibersidad ng Santo Tomas. Dahil sa kanyang pagpupursige, grumaduate si Aida noong 1947 sa edad na 25.

Matapos makapasa sa board exam, patuloy sa pagbuo ng sariling pangalan sa mundo ng architecture si Lola Aida mula Luzon na umabot pa sa Mindanao!

Credit: City Government of Muntinlupa – OFFICIAL Facebook

Dahil sa iconic na reputation ni Lola Aida, talagang marami ang hindi nakakalimot sa kanya lalo na’t siya ang kauna-unahang registered na babaeng architect sa Pilipinas dahilan kung bakit napakasikat niya sa nasabing larangan. Sa katunayan, kaka-celebrate lamang niya ng kanyang ika-100 na kaarawan kung saan ay nakatanggap siya ng 100,000 pesos alinsunod sa Centenarians Act.

Sa Facebook post ng Mayor sa Muntilupa na si Ruffy Biazon, makikita sa ibinahagi niyang larawan na personal niyang ibinigay kay Lola Aida ang “Centenarian cash gift”.

“Happy 100th, Lola Aida! Personal ko pong binisita si Gng. Aida Cruz – Del Rosario para ibigay ang kanyang P100,000 Centenarian cash gift mula sa Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng OSCA Muntinlupa,” saad ni Mayor Biazon.

Credit: City Government of Muntinlupa – OFFICIAL Facebook

Sa espesyal na okasyon sa buhay ni Lola Aida, may heartfelt na mensahe rin ang kanyang alma mater bilang pagbibigay-pugay sa pagtungtong niya sa edad na 100.

“A Thomasian alumna who was one of the first to enroll in the BS Architecture program of the UST College of Architecture turned 100 recently,” pahayag ng UST.

“Ms. Aida C. del Rosario was one of the early female students who entered the then-male-dominated profession, which now has in its ranks more female architects who received their education in our University.”

Credit: City Government of Muntinlupa – OFFICIAL Facebook

Tunay nga naman kasing nakakabilib ang achievement ni Lola Aida dahil hindi naman kasi biro ang pagbuo ng sariling pangalan sa isang career na supposedly ay pinapangunahan ng mga kalalakihan noong kanyang kapanahunan.

The post Kauna-unahang babaeng architect sa Pilipinas, nagdiwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top