Pinakita ni Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon girl ang kanyang bagong bahay sa isang video vlog sa YouTube channel nito.
Credit: Herlene Hipon YouTube
Sa video, first time nakita ni Herlene at ang pamilya nito ang bahay na regalo sa kanila ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino. Makikita na labis ang pasasalamat niya sa kanyang mga tagasuporta at lalo na sa kanyang manager. Naging emosyonal din ang pamilya ni Herlene sapagkat kamakailan lamang nang mamaalam ang kanyang pinakamamahal na lola.
Hindi natago ang lungkot ng beauty queen sa pagkawala ng kanyang lola dahil malapit ito sa kanya. Isa sa mga dahilan ang kanyang lola kaya lubos na nagsusumikap si Herlene sa buhay. Ibinahagi rin niya sa video ang isang panaginip tungkol sa lola niya.
“Napanaginipan ko si Nanay ngayon. Hindi siya nagsasalita. Nakangiti lang siya,” pagsasalaysay niya.
Noong araw din na iyon ay ang araw na bibilhin na ng kanyang manager ang pangarap nilang bahay. May panghihinayag ang beauty queen dahil hindi na nakita at naranasan ng kanyang lola ang tumira sa pinapangarap nilang bahay.
Credit: Herlene Hipon YouTube
Ang pamilya naman ni Herlene ay masayang sinalubong ang bagong yugto ng kanilang buhay. Nagiwan din ng magandang mensahe si Herlene sa kanyang lola sa vlog nito.
“Magkakabahay na tayo, Nanay. Nay, gusto kita mapanaginipan. Gusto kita makita ulit,” saad niya.
Matatandaan na nanalo bilang first runner up sa Binibining Pilipinas si Herlene at humakot ng pitong special awards. Nabanggit ni Herlene na isa sa mga dahilan ng pagsali nya sa kompetisyon ay ang pangakong bibilhan siya ng bagong bahay ng manager nito.
Credit: Herlene Hipon YouTube
“Sino ba namang t@nga na hindi papayag do’n? Praktikal na tayo. ‘Di naman kami mayaman,” sinabi ni Herlene.
“Wala kaming kisame, mainit, magulo ‘yung bahay namin (ngayon).” dagdag nito.
Credit: Herlene Hipon YouTube
Kaya naman talagang pinaghirapan, ginalingan at kahit mahirap binuhos ni Herlene ang best niya sa beauty pageant.
Isa rin sa mga tagumpay ni Herlene ngayong taon ay ang makapag tapos sa pag-aaral. Nitong lamang Hulyo ay proud na tinaggap ni Herlene ang kanyang diploma.
Credit: Herlene Hipon YouTube
Sabay ng pagapaw ng biyaya sa buhay ni Herlene ang umaapaw ring pasasalamat nito sa kanyang mga tagasuporta at sa mga taong naging inspirasyon at motibasyon niya sa buhay ngayon.
The post Herlene Budol, naiyak nang unang makita ang regalong bagong bahay sa kanya appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment