Saturday, August 20, 2022

Ito pala ang buhay ni kalookalike ni Jericho Rosales na si Kuya J bago pa siya magtrending sa social media

Hindi related pero kung ipagtatabi at ipagkukumpara, mapagkakamalan talaga na magkapatid. Ito ngayon ang kinaaaliwan ng netizens ngayon dahil tila’y nahanap na ng publiko ang taong pasado bilang kakambal ni Jericho Rosales!

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Kung gwapo, charismatic, at hottie na mga aktor lang naman sa lokal na industriya ng showbiz ang pag-uusapan, tiyak na isa sa mga nangunguna sa listahan si Jericho Rosales. Sa larangan naman ng acting, hindi rin kailanman binigo ni Echo ang kanyang fans dahil tunay nga naman kasing nakakabilib ang angkin niyang talento.

Sa mahabang panahon, ilang ulit nang may sinubok na maging ka-lookalike ni Jericho Rosales sa pamamagitan ng paggaya sa kanyang style at signature na look ngunit walang ni isa sa mga ito ang pasado na maging kakambal ng aktor ngunit nito lamang, tila’y nahanap na ng publiko ang lalaking kuhang-kuha talaga ang kabuuan ni Echo!

Matatandaan kumakailan lamang nang nag-viral sa social media ang mga larawan ni Junrey Bauh na unang ibinahagi ni Hyobz Perez sa Facebook. Paano ba naman kasing hindi nito maaagaw ang atensyon ng netizens kung sobrang hawig lang naman ni Jericho Rosales si Junrey o kung tawagin ng karamihan ngayon bilang si “Kuya J”.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Dahil sa matinding pag-trending ni Kuya J ngayon bilang ka-lookalike ni Jericho, marami talaga siyang opportunities, projects, at endorsements na natatanggap. Sa katunayan, featured din siya sa KMJS kung saan ay inilahad ni Kuya J ang kanyang kuwento bago pa man siya sumikat.

Katulad ni Jericho, maaga rin na nagbanat ng buto si Kuya J upang masuportahan ang kanyang pamilya dahilan kung bakit mas kumbinsido ang karamihan ngayon na hindi lang pala magkahawig ang dalawa dahil pareho rin sila ang kinagisnan nilang buhay.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Pagkukuwento ni Kuya J, mula umaga hanggang hapon ay doble talaga ang kanyang kayod upang may mauwi lamang na pera sa kanyang pamilya. Alas tres pa lamang ng umaga, nagsisimula na siya sa kanyang pagsasaka ng rubber at pagsapit naman ng alas sais, suma-sideline naman si Kuya J bilang isang construction worker para lamang matustusan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya ngunit kaagad umanong nagbago ang kanyang buhay sa simpleng pag-viral ng kanyang mga larawan hanggang kinilala nga siyang ka-lookalike sa sikat na aktor na si Jericho Rosales.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Sa ngayon, patuloy sa paghakot ng endorsements at projects si Kuya J kaya talagang inaasahan ng karamihan na malayo pa ang kanyang mararating sa buhay.

The post Ito pala ang buhay ni kalookalike ni Jericho Rosales na si Kuya J bago pa siya magtrending sa social media appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top