Thursday, August 25, 2022

Michelle Madrigal, isinapubliko ang kanyang bago at blooming na romance!

Kahit na’y bigo man sa naunang relationship, tila’y nakahanap naman ng panibagong chance si Michelle Madrigal sa pag-ibig dahil nito lamang, ibinahagi lang naman niya ang lalaking kasalukuyang nagpapasaya sa kanyang puso!

Credit: @mitch_madrigal Instagram

Bilang isang celebrity, open talaga ang kanilang personal na buhay sa publiko lalong-lalo na ang aspeto ng pag-ibig na sadyang pinagkaka-interesan ng karamihan. Of course, hindi naman lahat ng buhay pag-ibig ng iilang sikat na personalidad sa showbiz ay successful o hindi kaya’y patuloy na tumatatag sa bawat paglipas ng panahon dahil karamihan din sa mga ito ay nagtatapos dahil sa magkakaibang mga dahilan ngunit gayunpaman, mas pinipili nilang magpatuloy sa buhay katulad na lamang ng aktres na si Michelle Madrigal na kasalukuyan ngayong naka-based sa US na kahit na’y nabigo man sa kanyang previous na relationship, pinili niyang bumangon para sa sarili, para sa kanyang anak, at para na rin sa ikalawang chances sa buhay na maaaring mangyari.

Matatandaan nito lamang nakaraang taon nang inanunsyo ni Michelle sa publiko ang separation nila ng kanyang dating asawa na si Troy Woolfolk. Habang sumasalilalim sa process ng kanilang divorce, patuloy naman sa pagbibigay ng update ang aktres. Makalipas ang isang taon, muling nagkaroon ng ikalawang chance si Michelle sa pag-ibig dahil kumakailan lamang, ginulat niya ang lahat sa bago niyang relationship sa isang foreigner na boyfriend!

Sa latest na post ni Michelle sa Instagram, ibinahagi niya ang sizzling at sweet na photo nila ng kanyang boyfriend habang nasa Canyon Lake, Texas na kaagad namang pinagkaguluhan at kinakiligan ng fans.

Credit: @mitch_madrigal Instagram

Kahit na’y uhaw na uhaw man ang fans ni Michelle na malaman ang pangalan ng kanyang hottie na boyfriend, pinili ng aktres na huwag muna itong pangalanan dahil sa caption ni Michelle, tanging “Him ☺️” lamang ang nakasulat.

Bagama’t shocking man ang revelation na ito ni Michelle, masaya naman para sa kanya ang fans dahil sa wakas, muli na namang may nagpapatibok sa puso ng kanilang iniidolong aktres. Iilan lamang ang mga ito sa kanilang comments:

“Get it girl!!!!!!!! Happy to see you happy. You deserve it👏👏👏”

“You deserved to be happy ❤️”

Credit: @mitch_madrigal Instagram

“omg! You look good together 😀”

“😍😍😍😍 Hot Couple Alert ♥️”

Makikita naman sa ngiti ni Michelle sa ibinahagi niyang larawan kung gaano siya ka-happy ngayon sa piling ng kanyang boyfriend.

The post Michelle Madrigal, isinapubliko ang kanyang bago at blooming na romance! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top