Thursday, August 25, 2022

Ruffa Gutierrez, proud na nakagraduate na sa kolehiyo sa edad na 48!

Walang timeline sa pag-abot ng ating mga pangarap sa buhay. Maaga o late man, pareho pa rin tayong nakakaramdam ng fulfillment sa sarili dahil sa wakas, ang noo’y simpleng kahilingan lamang, nagkatotoo na!

Credit: @iloveruffag Instagram

Sa layunin nating makapagtapos ng pag-aaral, hindi talaga naiiwasan ang pagkakaroon ng mga pagsubok dahil may mga pagkakataon na nagpapatong-patong ang ating mga problema o hindi kaya’y abala rin tayo sa ibang bagay. Sa mundo ng showbiz, hindi talaga easy para sa celebrities na maibigay ang buo nilang atensyon sa pag-aaral marahil ay dahil sa hectic at overlapping nilang schedule kaya marami talaga sa kanila ang pinipiling isuko na lamang ito at mag-focus na lamang sa pag-aartista ngunit kahit na’y maraming taon man ang lumipas, tila’y nananatili pa rin kay Ruffa Gutierrez ang kanyang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo.

Sa buong career ni Ruffa Gutierrez, talagang nananatili siya sa spotlight. Dahil sa kanyang husay at galing sa larangan ng pag-arte, kaliwa’t kanan talaga ang natatanggap niyang projects at endorsements. Sa katunayan, mismong opportunities na ang lumalapit sa kanya kaya talagang masasabi matunog talaga sa showbiz ang pangalan at reputasyon ng aktres.

Credit: @iloveruffag Instagram

Matagumpay man sa kanyang career bilang isang artista, nais pa rin ni Ruffa na magkaroon ng college degree kaya sa kanyang desire na makapagtapos sa pag-aaral, doble talaga siyang kumayod. Dahil sa kanyang determinasyon at pagpupursige, sa wakas ay napasakamay na rin ng aktres ang diploma na matagal na niyang inaasam na magkaroon!

Sa IG post ni Ruffa nito lamang, proud at humble niyang ibinahagi sa publiko na isa na graduate na siya sa kolehiyo sa kursong Communication Arts.

Credit: @iloveruffag Instagram

“I humbly want to share that I have graduated with a bachelor’s degree in Communication Arts from the Philippine Women’s University under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). I am now gearing up for PWU’s 99th Commencement Exercises at the Philippine International Convention Center (PICC) next week,” pagbabalita ni Ruffa kalakip ng ibinahagi niyang larawan kung saan ay makikita siyang nakasuot ng kulay red maroon na toga.

Credit: @iloveruffag Instagram

Tunay nga naman na hindi madali na maipagsabay ang trabaho at ang pag-aaral. Kinailangan man niyang isuko ang pag-aaral noon, muli naman itong binalikan ng aktres upang tuparin ang isa sa matagal na niyang pinangarap na magkaroon at ito ay ang pagkakaroon ng college degree.

The post Ruffa Gutierrez, proud na nakagraduate na sa kolehiyo sa edad na 48! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top