Kakaiba ang pagkasabik ng mga estudyante at magulang sa face to face class ngayong taon dahil matapos ang mahigit na dalawang taong naka online class ang mga ito dahil sa p@ndemya ay balik eskwela na ang mga chikiting sa wakas.
Maraming celebrity mom ang nagshare ng kani-kanilang karanasan sa back-to-school ngayong taon.
Nandyan ang first time mom na si Anne curtis. Sa post nitong video sa instagram, binahagi nya ang napakacute na OOTD (outift of the day) ng kanyang anak na si Dahlia sa unang araw nito sa school.
Ito’y nakasuot ng black at white dress, bitbit ang kanyang pink na bag. Sinabi rin ng aktres na labis ang tuwa ni Dahlia sa kanyang unang araw.
Credit: @annecurtissmith Instagram
“My little school girl. All done with her first day & she had so much fun,” sabi nito.
Binahagi naman ng TV host – actress na si Bianca Gonzalez ang unang dalawang linggong aktibidad ng panganay niyang anak na si Lucia sa school. Makikita sa post nito ang iba’t ibang gawain at larawan nilang mag-ina.
“First two weeks of school photo dump,” saad nito.
Maraming magulang naman ang nakarelate sa video post ni Yasmin Kurdi. Sa video kasama ang kanyang asawa na si Rey Soldevilla Jr., napapasayaw ang mga ito habang naglalakad papalayo ang kanilang anak na si Ayesha papasok sa kaniyang school. Biro ng magasawa na sa wakas mahihinto na ang kanilang pagiging teacher.
Credit: @yasmien_kurdi Instagram
“Resign na kami sa pagiging teacher! 😊Haaay Salamat 😅 BACK-TO-SCHOOL NA!” sey ni Yasmin sa post.
Naging emosyonal naman si Judy Ann Santos sa unang araw ng kaniyang anak na si Luna. Masaya ito na makakabalik na ang mga bata sa eskwelahan at ma-experience na rin nila ulit ang face-to-face class.
“First day of school for our little bunny.. first day for all of us after 2 1/2 years of online schooling… nakaka sepanx ng sobra!! but.. im happy and excited for all the kids to be able to attend classes with a bit of normalcy…” sabi niya.
Pinasalamatan din ni Judy ann Santos ang magigiting na guro na labis na naapektuhan sa mahigit na dalawang taong online class.
Credit: @officialjuday Instagram
“Thank you to all our hardworking teachers, for doing everything to make this happen.” pasasalamat ng aktres.
Hiling ng aktres nawa’y gabayan ng Panginoon ang mga guro at ang mga estudyante.
“‘Dear God, please bless, guide, protect and look our children and teachers as we all move forward from this p@ndemic. ❤️🙏🙏” dagdag nito.
The post Tignan ang naging first day sa klase ng celebrity kids nang magbalik face to face classes appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment