Wednesday, August 17, 2022

Pamilya nila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, nag-eenjoy ngayon sa France!

Para sa mga taong free-spirited, nagsilbi talagang invisible na bilanggu@n ang p@ndemya dahil imbes na mag-travel at bisitahin ang mga lugar na nakalista sa bucket list, nakul0ng lamang sila sa sarili nilang bahay dahil sa nararamdamang tak0t dulot ng viru$ kaya ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon at medyo gumagaan na rin ang restrictions, sobrang eager ang karamihan ngayon na mabisita ang lugar na matagal na nilang gustong mapuntahan!

Credit: @andieigengirl Instagram

Simula nang lumipat sa Siargao ang dating aktres na si Andi Eigenmann upang magkaroon ng mas peaceful at simpleng buhay kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak, ibinibida talaga ng “Happy Islanders” ang kagandahan ng lugar sa pamamagitan ng wholesome nilang vlogs pero kahit na’y kuntento na sa kanilang ordinaryong buhay ngayon sa isla, pangarap pa rin ng couple na makapunta sa ibang bansa at bisitahin ang gusto nilang mga lugar pero dahil sa p@ndemya at sa kadahilanang mga maliliit pa lamang ang kanilang mga anak, grabe talaga ang consideration na ginawa ng couple ngunit tila’y wala talagang makakapigil sa YOLO lifestyle ng dalawa dahil nito lamang, isinakatuparan na rin nila ang pangarap na makapag-travel nang kumpleto.

Credit: @andieigengirl Instagram

Matatandaang magkakasamang lumipad sa pinakaunang pagkakataon ang “Happy Islanders” sa bansang Indonesia nito lamang at sa wakas, na-cross out na rin nila ang pinakaunang lugar sa kanilang bucket list at ito ay ang Hendaye, isa sa mga commune sa France!

Of course, popular ang Hendaye sa maganda nitong beach kaya talagang hindi mawawala ang swimming sa kanilang bonding. Sa latest na update ni Mommy Andi sa kanyang Instagram account, makikitang masayang nagtutulungan sa pagbuo ng sand castle ang kanilang mga chikiting na sina Ellie, Lilo, baby Koa kasama ang anak ni Philmar sa dati niyang partner na si Kanoa.

Credit: @andieigengirl Instagram

Pagbabahagi ni Andi, gusto umano niya at ng kanyang munting pamilya ang beach town lalo na’t super ganda umano ng sunsets plus nakakapag-enjoy pa sila dahil sa napakaraming pasyalan at masasarap na mga pagkain.

“It’s been beach evenings for us over here in this Basque beach town. We’ve been loving the European summer weather and the 10PM sunsets. It offers more time to enjoy our surroundings, more time to rest in between, and more time to eat 😂,” pahayag ni Andi.

Credit: @andieigengirl Instagram

Kahit na’y wala man ngayon sa Siargao, tila’y hindi pa rin maiwasan ng “Happy Islanders” ang kanilang nakasanayang buhay dahil base sa updates ni Andi sa kanilang bakasyon sa Hendaye, masasabi talaga na malapit ang kanilang puso sa beach.

The post Pamilya nila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, nag-eenjoy ngayon sa France! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top