Walang makakapigil sa taong “young at heart” dahil patuloy lang naman nilang pinatutunayan na hindi sila napag-iiwanan ng panahon bagkus ay talo pa nga nila ang karamihan sa mga kabataan pagdating sa pakikipagsabayan sa bawat trend!
Credit: @victoria_belo Instagram
Simula nang umusbong ang K-pop, patuloy talaga na lumalawig at lumalaki ang kanilang impluwensya dahil hindi lang naman limited sa South Korea ang kasikatan nito kundi ay pati na rin sa iba’t-ibang bansa. Dahil sa style-bending at trendsetting nilang influence, marami talaga sa kanilang fans ang nagkakagulo sa tuwing K-pop na ang pinag-uusapan at taliwas sa pag-aakala ng karamihan na tanging mga kabataan lamang ang obsessed nito, isa rin palang avid na fan ng grupong BLACKPINK si Dra. Vicki Belo!
Noon pa man, matagal na talagang hinahangaan ng karamihan ang celebrity dermatologist na si Vicki Belo dahil sa nakaka-inspire niyang lifestyle. Bagama’t madalas man siyang nakakatanggap ng mga negatibong komento, nananatili naman siyang unfazed dahilan kung bakit tinatawag siya ng iilan bilang “unbothered queen”.
Credit: @victoria_belo Instagram
Matatandaan kumakailan lamang ang pagsabak ni Vicki Belo sa Tiktok kung saan ay may entry siya sa bawat trend at dance challenges pero may something pa pala sa kanya na hindi alam ng karamihan at ito ay ang pagiging fan niya ng BLACKPINK.
Nito lamang buwan ng August, muling nag-release ng bagong kanta ang BLACKPINK na “Pink Venom” na muling naging sensation sa Internet. Bilang isang fan, hindi pinalagpas ni Vicki Belo ang pagkakataon na magkaroon ng sarili niyang version kung saan ay makikitang suot niya ang parehong outfit ni Jennie, Lisa, Rosé, at Jisoo.
Sa video na ibinahagi ni Vicki Belo sa Instagram nito lamang, mapapanood ang sarili niyang version ng “Pink Venom” MV na kaagad namang pinaulanan ng reactions ng netizens, kapwa niya Pinoy celebrities, at pati na rin ng Hollywood personality na si Yolanda Hadid.
Credit: @victoria_belo Instagram
“❤️looking great vicky,” comment ni Yolanda Hadid.
Of course, hinding-hindi rin magpapahuli ang asawa ni Vicki Belo na si Hayden Kho dahil sobrang proud lang naman ito sa kanya.
Credit: @victoria_belo Instagram
“My wife!!!!!❤️❤️❤️,” komento ni Hayden Kho na talaga namang kinakiligan ng kanilang fans.
The post BLACKPINK “Pink Venom” version ni Vicki Belo, bentang-benta sa publiko! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment