Sunday, September 11, 2022

Jake Ejercito, aminadong “under” sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie!

Marami talagang changes kapag naging isang parent na dahil mas inuuna na natin ang kapakanan at kung anong ikabubuti ng ating mga anak kaya talagang may paninindigan at rules tayo ngunit kapag ibinibida na ng mga chikiting ang kanilang paawa at tampo look, hindi talaga natin naiiwasang manghina at bumigay para lamang mapasaya sila.

Credit: @unoemilio Instagram

Isa si Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa mga celebrity na sumasabak sa co-parenting na set up at bagama’t challenging man ang kanilang sitwasyon, maayos pa rin naman nilang nagagampanan ang kanilang roles at duties bilang mga magulang sa anak nilang si Ellie na kasalukuyan ngayong 10 taong gulang.

Matatandaan kumakailan lamang nang masayang ibinahagi ng Happy Islanders sa publiko na kasalukuyan silang nasa France at nagbabakasyon kasama si Ellie. Matapos ang oras kasama ang kanyang Mommy Andi Eigenmann at ang mga nakababatang kapatid niya na sina Lilo at baby Koa, panahon naman upang makapag-bonding ang mag-ama kaya sa huling mga araw na natitira sa trip ng pamilyang Ejercito abroad, sinulit ni Jake at Ellie ang bawat oras kasama ang isa’t-isa.

Credit: @unoemilio Instagram

Maliban sa pamamasyal at pagbisita sa naggagandahang mga lugar, hinding-hindi rin mawawala sa bucket list ng mag-ama ang pagkakaroon ng food trip pero imbes na healthy na mga pagkain ang nais i-encourage ng aktor sa anak, tila’y mas gusto naman ni Ellie ng candies.

Sa larawang ibinahagi ni Jake sa Twitter at official niyang Facebook account, makikitang binibigyan niya ng “side eye look” ang ama na tila ba’y nagkakaroon sila ng munting debate kung bibili ba talaga ng candies o hindi pero sa huli, pinagbigyan na ng aktor ang anak at inaming “under de saya” umano siya pagdating sa chikiting.

Credit: @unoemilio Instagram

“No” to “Ok boss” real quick,” sulat ni Jake sa kanyang caption kalakip ng #underdesaya.

Para sa mga hindi nakakaalam, ginagamit ang idiom na “under de saya” sa paglalarawan ng mga lalaking under o kontrolado ng mga babae. Para sa sitwasyon ni Jake, hindi umano siya nakaka-resist sa sampung taong gulang niyang anak na si Ellie.

Credit: @unoemilio Instagram

Talagang pinatunayan ni Jake na hindi siya ang typical na ama na madalas nating napapansin sa karamihan dahil pagdating sa kanyang anak na si Ellie, alam niyang may mga pagkakataon na kailangan niya maging soft at “under” sa anak.

The post Jake Ejercito, aminadong “under” sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top