Saturday, September 10, 2022

Mga chikiting ni Jewel Mische, pinuri ng netizens dahil sa kanilang doll-like na beauty!

Hindi talaga nalilinlang ang genes dahil kapag maganda at gwapo ang parents, tiyak na mamamana rin ng mga anak ang kanilang good looks at ang pamilyang magpapatunay nito ay ang pamilya ng dating aktres na si Jewel Mische at ng kanyang asawa na si Alex Kurzer.

Credit: @mischejewel Instagram

Bagama’t nilisan man ng ‘Starstruck’ graduate ang career niya bilang isang aktres sa lokal na industriya ng showbiz, hindi naman kailanman pinagsisihan ni Jewel Mische ang kanyang desisyon na magkaroon ng tahimik at simpleng buhay sa Michigan kasama ang kanyang munting pamilya.

Taong 2015 nang ikinasal si Jewel at Alex at simula nang lumipat sa Michigan, contented naman ang couple sa kanilang simpleng buhay kasama ang tatlo nilang magagandang mga anak na sina Aislah Rose, Emerald Jade, at Yzbel Quinn.

Credit: @mischejewel Instagram

Naging ganap na parents ang couple nang dumating sa kanilang buhay ang firstborn nilang si Aislah Rose noong 2018 at muling nagkaroon ng dalawa pang bagong miyembro sa kanilang pamilya na sina Emerald Jade at Yzbel Quinn sa kalagitnaan ng p@ndemic.

Noon pa man, kinagigiliwan na talaga ng karamihan ang beauty ni Jewel dahilan kung bakit na-earn niya ang title na “Starstruck Ultimate Sweetheart” at sa pagpapakilala niya sa kanyang mga chikiting sa publiko at patuloy na pagbabahagi ng mga larawan ng kanyang Tres Marias, marami talaga ang pumupuri sa doll-like na kagandahan ng mga ito.

Credit: @mischejewel Instagram

Base sa mga larawang ibinabahagi ni Jewel ng kanyang Tres Marias sa Instagram, mapapansin talaga na kuhang-kuha nila ang features ng kanilang mga magulang, isang patunay na ang gaganda talaga ng genes ni Jewel at Alex Kurzer.

Bagama’t maliliit pa lamang, lumilitaw na talaga ang kagandahan ni Aislah Rose, Emerald Jade, at ng bunsong anak ng couple na si Yzbel Quinn kaya inaasahan talaga ng karamihan na mas lalo pa silang gaganda kapag magiging dalaga na!

Credit: @mischejewel Instagram

Dahil sa mala-manikang beauty ng Tres Marias ni Jewel at Alex, talagang isa sila sa paboritong celebrity kids ng netizens dahilan kung bakit patuloy na sinusubaybayan ng karamihan ang updates ni Jewel sa tatlo niyang chikiting.

The post Mga chikiting ni Jewel Mische, pinuri ng netizens dahil sa kanilang doll-like na beauty! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top