Wednesday, September 14, 2022

Donny Pangilinan, ipinakita ang kanyang ipinapatayo ngayong bahay

Kakaiba talaga sa pakiramdam kapag nakikita natin ang materialization ng bawat effort at dedication natin sa pagtatrabaho dahil nagsisilbi lang naman itong motivation na doblehin pa ang pagkayod natin sa buhay.

Credit: @donny Instagram

Muli na namang nadagdagan ang heartthrob at ma-charisma na mga aktor sa lokal na industriya ng showbiz na binubuo nina Daniel Padilla, Enrique Gil, James Reid, Joshua Garcia, at marami pang iba dahil sa pagpasok ni Donny Pangilinan sa showbiz dahil sa kanyang gwapong looks at kahusayan sa pag-arte, kaagad niyang napaibig ang karamihan.

Sikat na talaga sa mundo ng showbiz ang roots ni Donny Pangilinan dahil mula sa kanyang Lolo na si Tony Ferrer na kilala bilang “James Bond” ng Pinas, isa ring beteranang aktres ang kanyang ina na si Maricel Laxa habang ang kanyang ama na si Anthony naman ay ang kapatid ng dating S3nador na si Francis Pangilinan. Bagama’t nanggaling man sa prestihiyosong pamilya sa showbusiness si Donny, pinagsumikapan naman niya ang kanyang naging daan tungo sa tinatamasa niyang kasikatan ngayon.

Credit: @donny Instagram

Mula sa pagiging VJ sa MYX noong taong 2016 at pagsabak sa supporting na roles sa iilang successful na teleserye at mga pelikula, napagtagumpayan talaga ni Donny na makabuo ng sarili niyang pangalan at reputation sa showbiz bilang aktor. Dahil sa kanyang nakakabilib na talento sa pag-arte, talagang umani siya ng sandamakmak na fans worldwide!

Sa edad na 24, isa na si Donny sa mga successful na aktor sa kanyang generation kaya aminado talaga siyang sobrang grateful siya sa lahat ng nangyayari sa kanyang career dahil mas napapalapit na umano siya sa katuparan ng kanyang mga pangarap at isa na nga sa mga ito ay ang makapagtayo ng sariling bahay.

Credit: @donny Instagram

Noon pa man, matagal na talagang nagpapahiwatig ang aktor na gusto niyang magkaroon ng sariling bahay pero sa latest niyang update sa Instagram, ibinahagi niyang kasalukuyang “under construction” ang kanyang dream house!

“Almost there!! 🙏🏼🏠,” sulat ni Donny sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang larawan kung saan ay makikita siyang nasa ikalawang palapag ng ipinapagawang bahay.

Credit: @donny Instagram

Bukod sa big news na ito ng aktor, ibinahagi rin niyang “Casa Donato” ang tawag niya sa ipinatayong bahay. Tunay nga sa ibinigay niyang pangalan sa magiging bahay, talagang maghahari si Donny sa kanyang sariling version ng palasyo!

The post Donny Pangilinan, ipinakita ang kanyang ipinapatayo ngayong bahay appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top