Hindi talaga kailanman nahuhuli ang mga Pinoy kapag pasiklaban na ng talento at biruan ang pinag-uusapan dahil kahit nasaan man o anong sitwasyon man, hindi talaga sila umaatras sa pag-iisip ng witty at epic na ideas dahilan kung bakit mas napapasigla nila ang paligid!
Credit: Djai Tanji Facebook
Kahanga-hanga talaga ang makasaksi ng isang talented na tao pero ang mapabilang sa isang silid na punong-puno ng sandamakmak na singers ay tiyak na lalagpas pa sa ating expectation katulad na lamang ng nangyari sa isang restaurant kumakailan lamang kung saan ay magkakasamang naghanpunan ang Madrigal Singers ng UP.
Taong 1963 nang unang nabuo ang “The Philippine Madrigal Singers” at dahil sa kanilang nakakahangang performances sa nakalipas na mga taon, marami na silang napanalunan na awards at kinikilala sa kanilang world-class na talento sa pagkanta. Dahil sa kanilang kasikatan, talagang bibihira para sa mga ordinaryong tao katulad natin na masaksihan silang kumakanta pero tila’y maswerte ang mga crew sa restaurant ng dating aktres na si Aya Medel dahil doon lang naman napiling kumain ng chorale group.
Sa video na ibinahagi ng isang organizer na si Djai Tanji sa kanyang Facebook account, mapapanood na habang hinihintay ng prestigious na choir ang kanilang takeout na mga pagkain, naisipan nilang kumanta ng “Bituing Walang Ningning” na orihinal na kinanta ni Sharon Cuneta.
Credit: Djai Tanji Facebook
Para sa mga hindi nakakaalam, madalas na kinakanta ng guests ang “Bituing Walang Ningning” sa mga occassion habang hinihintay nilang mabalot ang iuuwi nilang mga pagkain dahil sa lyrics nito na “Balutin mo ako…” na aniya’y tugmang-tugma umano sa sitwasyon.
Pagkukuwento ni Djai Tanji, pinapabalot umano ni Aya Medel ang natitirang mga pagkain ng Madrigal Singers kaya nang nagbigay ng libreng concert ang choir, mas napasarap at inspired umano sa pagbabalot ang crew.
Credit: Djai Tanji Facebook
“Bago umuwi yung Madz, sabi ni miss Aya Rechie Medel , Wait daw kasi babalutin ung mga tirang foods and ipapa Takeout sakanila…maya’t maya kumanta na sila ng BITUING WALANG NINGNING! Hahahah!! “Balutin mo ako….” Haha,” kuwento ni Djai Tanji.
Dagdag pa niya, “Mas nakaka inspire magbalot pagkain pag ganito ang background music!Lol”
Credit: Djai Tanji Facebook
Dahil sa pagsabak ng Madrigal Singers sa pagkanta ng “Butuing Walang Ningning” na talaga namang tumugma sa paghihintay nila sa kanilang takeout, umani sila ng atensyon at sari-saring reaksyon, positibong mga komento at nakakaaliw na feedbacks mula sa netizens.
The post Sikat na choir na Madrigal Singers, may libreng pa-concert habang hinihintay ang kanilang takeout sa isang restaurant! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment