Engrandeng pinagdiwang ng actress-model na si Sam Pinto at NLEX Road Warriors cager Anthony Semerad ang unang kaarawan ng napakaganda nilang anak na si Mia. Sinigurado ng Semerad couple na hindi malilimutan ang espesyal na araw ng kanilang cute na cute na anak na si Mia.
Credit: @sampinto_ Instagram
Binahagi ni Mommy Sam ang hinanda nilang isang ‘boho rainbow themed birthday party’ sa kaniyang instagram. Nagiwan din ng sweet message dito si Mommy Sam para sa kaniyang anak.
“Happy first birthday to my heart! Everyday you continue to amaze me. You are the most wonderful blessing we ever had. I know the future only holds the best for you. We love you with all our hearts,” sabi nito.
Kasama sa post nito ang mga larawan ng kanilang pamilya, mga kaibigan at iba pang kapamilya na dumalo at naki-celebrate sa kaarawan ng kanilang anak. Andyan din ang ilang detalye ng kanilang ‘event place’, mamamangha ka sa ganda at naglalakihang dekorasyon sa kanilang venue. Syempre hindi makukumpleto ang ‘Children’s party’ kung walang playground. Kaya naglagay din ang couple ng mini playground na kahit mga matatanda ay pwedeng maglaro.
Credit: @sampinto_ Instagram
Tagumpay ang first time Mommy at Daddy natin na sila Sam at Anthony sa pag-organize ng napakaganda at masayang birthday party. Pinasalamatan naman ni Sam lahat ng kaibigan at kapamilya na nakidiwang sa kanila.
“Thank you to everyone who came, greeted, and enjoyed! We appreciate every single one of you! Might not have a photo with some of you guys but do know that your presence was all we needed,” pasasalamat nito.
Credit: @sampinto_ Instagram
Hindi rin nakalimutan ni Sam ang mga taong tumulong sa kanila sa pag-organize ng ‘Boho Rainbow Birthday Party’ nito para sa anak.
“This magical boho rainbow party is probably the most Bongga party I’ve ever done. Lol. So THANK YOU to everyone who made this possible,” saad nito.
Credit: @sampinto_ Instagram
Isang maiksing video din ang pinost nito para ipakita ang ilan sa mga nangyari sa engrandeng oksayon. Ang video ay gawa at galing sa ‘Nice Print Photo’.
The post Sam Pinto at Anthony Semerad, nag-organize ng bonggang 1st party para sa kanilang baby Mia appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment