Thursday, September 8, 2022

Doug Kramer at Chesca Garcia, mas pinaganda ang isang parte ng kanilang mala-mansyong bahay

“So much more beautiful memories will be made here,” caption ng dating PBA player na si Doug Kramer sa bagong tambayan ng kanilang pamilya, ang TEAM KRAMER.

Credit: @dougkramer Instagram

Taong 2019 nang lumipat ang pamilya nila Chesca at Doug Kramer sa kanilang dream ‘forever home’. Dalawang taong ginawa at naghintay ang pamilya nito bago pa man sila nakalipat sa kanilang napakaganda at napakalaking home sweet home.

Sa hilig ng pamilya mag-stay sa loob ng bahay ay naisipan ng mag-asawa na ipaayos at i-parenovate ang veranda ng kanilang tahanan. Ayon kay Doug apat na buwan nilang inayos at pinaganda ang kanilang lanai area. Naglagay din sila ng silong sa kanilang garden at nagpadagdag ng Koi pond dito.

Credit: @dougkramer Instagram

“Our 4 month project converting and improving our Lanai and adding a new Pergola by our garden and even a Koi pond!” kwento nito.

Ang nasabing lanai area na inayos ng Team Kramer ay dating playground ng mga anak nila. Nagpadesisyunan nila na gamitin ito sa iba pang bagay at lagyan ng modern look.

“This used to be where the kids playground was, but we decided to maximize the area, add mood lights, and even change up the lanai ceiling and go for a more modern look,” dagdag ni Doug.

Credit: @dougkramer Instagram

Ang ideya ng buong proyekto ng couple ay galing sa kaniyang asawang si Chesca. Isa na rin ito sa paboritong tambayan ng pamilya.

“Such a great idea by @chekakramer! Now we have another new fave spot!” aniya.

Excited din si Doug sa bagong BBQ grill nito at sa mga memories na mabubuo ng pamilya nito sa kanilang bagong tambayan. Laking pasasalamat din nito sa bagong biyayang natanggap.

Credit: @dougkramer Instagram

“Love the new location of my bbq grill too! So much more beautiful memories will be made here. Thankful. grateful. “

Hindi lang ang bagong gawang veranda ang inyong hahangaan sa tahanan ng team kramer kundi pati na rin ang iba pang kwarto’t disenyo nito.

Sa mala-mansyon na tahanan ng Team Kramer, may kaniya-kaniya itong sariling kwarto, may malaking swimming pool at may indoor playground ang mga anak nito. Tila nasa isang 5-star restaurant ang pakiramdam sa kanilang dining area dahil sa ganda ng disenyo. Sa taas ng kanilang tahanan naglagay din sila ng sarili nilang elevator.

Credit: @dougkramer Instagram

Kasalukuyang may ipanapatayo muling bahay ang mag-asawang Doug at Chesca pero sinabi nila na ibebenta din nila ito kalaunan pagkatapos itong maitayo.

The post Doug Kramer at Chesca Garcia, mas pinaganda ang isang parte ng kanilang mala-mansyong bahay appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top