Thursday, September 8, 2022

Gerald Anderson, nagbukas ng campsite business sa Zambales

Ang Kapamilya star na si Gerald Anderson ay nagbukas ng panibagong negosyo sa kaniyang resort. Ang bagong business niya ay pinangalanan niyang “Hayati River Kamp”. Ito ay isang camp site na makikita sa Zambales.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Matatatandaan na taong 2020 nang sinimulan ni Gerald ang negosyong private resort nito sa Botolan, Zambales. Tinawag niya itong Hayati private beach resort at ngayong taon ay nagexpand ang aktor sa kaniyang negosyo at nag-open ito ng isang camp site. Binuksan sa publiko ang camp site nito lamang August 26.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Sa isang post ni Gerald sa kaniyang Instagram makikita ang mga larawan ng kanyang bagong camp site. Andun din ang mga impormasyon, tulad ng numero kung saan pwede mag-book ang mga tao sa kanilang camp site.

Nagsimulang magnegosyo ang aktor noong taong 2019 nang buksan nito ang kaniyang unang gym, ang The Th3rd gym. Nagkaroon ng dalawang branch ang gym na ito na parehong makikita sa Quezon City.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Ayon sa aktor, nang pumasok ito sa showbiz ay hindi niya naisip na magiging businessman din siya. Nagpapasalamat naman si Gerald na may ganitong oportunidad itong natanggap kaya naka-focus ang aktor sa kaniyang negosyo ng sinimulan niya ito.

“Gusto ko na rin mag-focus sa mga businesses ko. Panibagong challenge din siya sa buhay ko. Kumbaga mula nung pumasok ako sa showbiz parang hindi ko naisip na maging businessman din. But I’m very grateful na may ganung opportunity ako,” sabi nito.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Positibong tinanggap ng aktor ang hamon ng negosyo nito. Kaya masaya ito na makita ang paunti-unting paglago ng kanyang business.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

“Panibagong challenge siya sa buhay ko so it’s exciting. Hindi siya boring and parang siyang baby ko. Iba talaga pag tinayo mo talaga from wala. Tapos makikita yung progress niya, parang yung sa gym na gumaganda yung katawan, mas masaya sila, mas motivated sila, parang yun yung fulfillment ko as a gym owner. And dun sa resort naman, outlet din siya sa mga taong humiwalay sa Maynila, sa mga trabaho nila and they can also relax,” saad nito nang dumalo ito sa isang event.

The post Gerald Anderson, nagbukas ng campsite business sa Zambales appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top