Sunday, September 4, 2022

Vickie Rushton at Jason Abalos, ikinasal na matapos ang sampung taong pagsasama!

Tunay nga na walang sukatan ang pag-ibig dahil abutin man ito ng lima o sampung taon, mas lalo lamang na tumatatag ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao na tila’y itinadhana talaga para sa isa’t-isa katulad na lamang ni Vickie Rushton at Jason Abalos na sa wakas ay ikinasal na matapos ang sampung taon nilang pagsasama bilang couple.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Kung perfect na pares lang naman ang pag-uusapan ay tiyak na isa ang showbiz couple na si Vickie Rushton at Jason Abalos sa mga nangunguna sa listahan dahil nagsusumigaw lang naman ng perfection ang kanilang visuals. Maliban sa kanilang good looks, labis din silang hinahangaan ng karamihan dahil sa kabila ng mga isyu at mga pagsubok na muntik nang sumira sa kanilang relationship, mas pinili pa rin ni Vickie at Jason na panindigan ang pagmamahal na meron sila para sa isa’t-isa hanggang umabot nga sila ng sampung taon bilang boyfriend at girlfriend.

Sa 10 taon nilang pagsasama bilang couple, hindi lamang tanging pagmamahal ang bumubuo sa kanilang relationship dahil kalakip din nito ay ang kanilang indibidwal na growth kung saan ay nakapagbibigay sila ng inspirasyon at motivation sa isa’t-isa hanggang napagdesisyunan nga nilang pareho na ready na sila na dalhin sa susunod na level ang kanilang relationship.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Matatandaan nito lamang ika-2 ng Hunyo isinapubliko ng couple na engaged na pala silang dalawa simula pa lamang noong September 2021 at makalipas nga ang mahigit isang taon simula ng kanilang engagement, magkasama nang humarap sa altar si Vickie at Jason at ipinangako sa Panginoon na forever nilang pahahalagahan at mamahalin ang isa’t-isa.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Taliwas sa expectation ng karamihan, napagkasunduan ng couple na magkaroon lamang ng intimate na church wedding kung saan ay invited ang kanilang pamilya, iilang kaibigan nilang celebrities, at friends sa labas ng showbiz.

Sa mga larawang ibinahagi ng NicePrint Photograpahy sa kanilang official na Instagram account at sa videos na kuha ng iilang guests sa kanilang kasal, makikitang sobrang elegante at sophisticated tingnan si Vickie sa suot niyang wedding gown habang napakagwapo naman ni Jason sa suot nitong barong.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Marami tayong saksi sa pagmamahalan ni Vickie Rushton at Jason Abalos simula pa lamang noong mga panahong nagkakahulugan pa lamang sila ng loob at sa pagbabalik-tanaw mula sa nakalipas na isang dekada, mapapatunayan talaga na napakalayo na ng narating ng kanilang pagmamahalan.

The post Vickie Rushton at Jason Abalos, ikinasal na matapos ang sampung taong pagsasama! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top