Hindi lamang sa mundo ng boxing o politics nangunguna si Manny Pacquiao dahil sinisigurado rin niyang may naibubuga siya sa aspeto ng edukasyon dahilan kung bakit marami ngayon sa netizens ang bilib na bilib sa kinikilala nating “Pambansang Kamao!”
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Sobrang challenging talaga ang pag-aaral dahil hanggang umaangat tayo ng grade level, mas nagiging mahirap din ang lahat ng aralin at ng mga gawain kaya kinakailangan talaga ng full na determinasyon upang makapagtapos sa kolehiyo pero isa talaga sa mga malaking balakid sa mga estudyanteng nais mag-aral ay ang kawalan ng pera o kahirapan sa buhay katulad na lamang ni Manny Pacquiao na piniling magbanat ng buto sa napakamurang edad. Dahil dito ay ipinagpaliban ni Manny ang pag-aaral upang makatulong sa pamilya.
Kinailangan man niyang isuko ang kanyang pag-aaral upang matustusan ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya, hindi naman kailanman nawala sa isip ni Manny ang pangarap niyang makapagtapos sa kolehiyo kaya nang matagumpay siyang nakabuo ng sariling pangalan sa mundo ng boxing, isinakatuparan niya ang isa sa matagal na niyang kahilingan at ito ay ang maka-graduate sa kolehiyo.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Matatandaan nito lamang 2019 nang proud na ibinahagi ng Pacquiao family ang panibagong achievement ni Manny at ito ay ang pagtatapos niya sa kursong BA Political Science Major in Local Government Administration sa Makati University pero hindi lang pala dito natatapos ang kanyang milestone dahil muli na naman tayong pinahanga ni Manny nang natanggap niya ang kanyang Master’s degree in Administration Major in Public Administration sa Philippine Christian University kumakailan lamang!
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Sa post ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram account nito lamang Sabado, ibinahagi niya na sobrang proud umano siya sa panibagong achievement ng asawa sa studies nito.
“I’m so proud of you @mannypacquiao ,” sulat ni Jinkee sa kanyang caption kalakip ng mga larawan nila ni Manny na kuha sa graduation ceremony.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Bagama’t kinailangan man niyang ipagpaliban ang kanyang pag-aaral upang maging breadwinner sa pamilya noong kanyang binata days, buong-buo naman ang isip at puso ni Manny Pacquiao na balang-araw ay tatapusin niya ag kanyang pag-aaral at tunay nga sa kanyang pangako sa sarili, tinupad niya ito at ngayon ay hindi lamang simpleng graduate sa kolehiyo dahil ngayon, may master’s degree na rin siya!
The post Manny Pacquiao, tinupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at ngayon ay Master’s degree holder na! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment