Tunay nga na walang limitasyon para sa isang tao na patuloy na nangangarap at naniniwalang maisasakatuparan niya ang lahat ng mga bagay na hinihiling ng kanyang puso dahil kahit dumaan man ang bagyo o hampasin man ng malaking alon pabalik sa dalampsigan, wala talagang makakapigil sa taong may determinadong spirit.
Credit: @ronnieliang Instagram
Mahirap talaga pagsabay-sabayin ang dalawang bagay lalong-lalo na ang pag-aaral at pagtatrabaho ngunit sa kabila ng pagod at stress ay ilang ulit na naman itong napatunayan ng iilang celebrities dahil kahit abala man sa kanilang career ay pinipili pa rin nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral katulad na lamang ni Ronnie Liang na maliban sa pagiging isang sikat na singer at aktor, isa rin siyang masugid na taong patuloy sa pagpu-pursue sa kanyang studies.
Matatandaan kumakailan lamang nang naisakatuparan ni Ronnie ang kanyang “childhood dream” na maging isang piloto pero hindi lang pala dito natatapos ang pag-eexplore niya sa kanyang capabilities dahil nito lamang bago, muli na naman niyang pinahanga ang netizens sa ibinahagi niyang magandang balita na mayroon na siyang Master’s degree!
Credit: @ronnieliang Instagram
“After more than a year of burning the midnight candle, I graduated with a Master’s Degree in Management, Major in National Security and Administration (MMNSA) from the Philippine Christian University (PCU). ,” pahayag ni Ronnie sa unang bahagi ng kanyang caption kalakip ng kanyang graduation photo.
Ayon kay Ronnie, may malaking value umano sa kanya ang pagkakaroon ng accomplishment sa aspeto ng education dahil mas may access umano siya sa maraming opportunities at nagpapa-boost din ito ng confidence na tiyak na mag-iiwas sa atin mula sa mga pagkakataong maaari tayong ma-underestimate.
Credit: @ronnieliang Instagram
“From my perspective as an artist, I realized that obtaining a higher education is an empowering tool that will provide us with many opportunities. It amplifies our self-worth and dignity because it gives us a sense of pride. It also bestows us with sophisticated language that saves us from being underestimated,” saad ni Ronnie.
Dagdag pa niya, “It is also like a torchlight to another career path or a foothold to reach high places because people respect the knowledge and the knowledgeable.”
Credit: @ronnieliang Instagram
Tunay nga naman na napakaraming struggles sa pag-aaral lalong-lalo na kay Ronnie Liang na ipinagsasabay-sabay lang naman ang multiple niyang careers pero dahil sa kanyang sakripisyo at pagpupursige, maayos naman niyang nababalanse ang kanyang priorities sa buhay at dahil dito, nagsilbi siyang inspirasyon para sa karamihan.
The post Ronnie Liang, muling pinabilib ang fans sa pagtatapos niya sa kanyang Master’s degree! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment