Kakaiba talaga tayong Pinoy fans dahil hindi talaga nakakatakas sa ating atensyon ang maliliit na mga detalye kaya kahit wala pa mang kahit anong impormasyon mula sa mismong concerned na party ay umaabot na ang balita sa bawat dako ng Pinas!
Credit: @celestinegonzaga Instagram
Sa panahon ngayon, dahan-dahan na talagang namumulat ang iilang celebrities sa Philippine showbiz na maging mas open sa estado nila mentally pati na rin sa kanilang personal na mga buhay. Kung noon ay takot silang ipahayag ang totoo nilang feelings sa publiko, ngayon naman ay buong puso naman na nila itong ibinabahagi sa lahat at tila’y ang “Toni Talks” na pinapanguluhan ng aktres at host na si Toni Gonzaga naman ang numero unong talk show na nakakapagdulot sa bawat guest na maging emosyonal.
Sa recent na episode ng “Toni Talks,” nakapanayam ni Toni ang singer na si Angeline Quinto na tinaguriang “Queen of Movie and Teleserye Theme Songs” kung saan ay ikinuwento nito ang kanyang struggles sa nakaraang mga taon tulad na lamang sa pagkamatay ng kanyang Mama Bob na naging dahilan kung bakit pinili niyang magkaroon ng hiatus mula sa kanyang singing career dahil sa kawalan niya ng gana sa pagkanta dulot sa pagkawala ng isa sa mga taong pinakamamahal niya.
Si Mama Bob ang nagpalaki kay Angeline kaya sobrang laki talaga ng parte na nawala sa kanya nang namatay ito. Ayon sa kanya, tila’y napilayan umano siya dahil sandigan umano niya sa buhay ang yumaong mahal sa buhay.
Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube
Sa kabila ng emosyonal na usapan ni Angeline at Toni, hindi naman nakatakas sa mapagmatyag na mga mata ng netizens ang malaking umbok sa tiyan ng huli. Kahit na’y nakasuot ng itim na dress, halatang-halata pa rin ito kaya talagang kaagad na naging laman ng chismis ang pagbubuntis umano ni Toni sa ikalawang anak nila ng asawa na si Direk Paul Soriano.
Maliban sa umbok sa tiyan ni Toni, napansin din ng netizens ang glowing at radiant niyang beauty tsaka ang pag-gain niya ng weight—isa sa mga indikasyon ng iilan sa pregnant na mga babae.
Hanggang ngayon, wala pa ring kumpirmasyon ukol sa rumor na ‘to ang pamilyang Gonzaga-Soriano ngunit gayunpaman, patuloy naman sa paglaganap ang chismis at mas marami rin ang nakukumbinse na buntis nga si Toni sa ikalawang anak nila ni Direk Paul dahil sa nahalatang baby bump ng aktres sa interview kasama si Angeline Quinto.
Sa comment section ng mismong interview, marami ang nagbahagi na sobrang relatable ng storya ni Angeline pero may iilan ding fans na nagpahayag ng kanilang pagbati sa pagbubuntis umano ni Toni.
Credit: @celestinegonzaga Instagram
“Laki na babybump ni toni❤️”
“Baby bump po yan Mam Toni🙏❤️ Wow wow wow Congratulations po”
“Congratulations Toni on your second child!”
“laki na ng baby bump ni toni.. congrats mga mommies! happiest moment ever talaga!”
Credit: @celestinegonzaga Instagram
“May babybump!! Congrats toni!”
“2nd baby is waving. Congrats, Toni!”
Ayon sa mga balita ay mga malapit umano na source ang nagkumpirma na buntis si Toni ngunit wala pa sa kanila ni Direk Paul ang nagbigay ng pahayag o kumpirmasyon kung talagang buntis si Toni sa pangalawa nilang anak.
Hindi pa man kinukumpirma ni Toni at Direk Paul, malaking balita pa rin ito para sa kanilang fans lalo na’t hindi lamang ito isang magandang news sa fandom kundi ay isang panibagong blessing sa kanilang pamilya!
The post Mga netizen napansin ang umbok sa tiyan ni Toni Gonzaga; Toni, wala pang kumpirmasyon! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment