Friday, October 21, 2022

Angelica Panganiban, “no” ang isinagot nang unang tanungin ng boyfriend ng “will you marry me?”

Ang aktres na si Angelica Panganiban ay ikakasal na!

Credit: The Homans YouTube

Inanunsyo ni Angelica Panganiban at Gregg Homan ang kanilang engagement sa kanilang bagong youtube video noong October 8. Pinakita ng couple ang video ng kanilang proposal habang nakabakasyon ito sa isang beach. Pinakita rin nila ang mga reaksyon ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan nang ibahagi nila sa mga ito ang magandang balita.

Bago pa man tanungin ni Gregg si Angelica at hingin ang kamay nito para magpakasal sa kanya ay gumawa muna ito ng maiksing message video para sa kanilang anak.

“I’m making this video for you ’cause I want to let you know that Daddy’s very nervous, ’cause he’s gonna ask your mommy to marry him today.” saad nito.

Nabanggit din nito na nahirapan itong humanap ng pagkakataon para tanungin ang aktres dahil na rin sa madalas na pagiging moody nito dulot ng kaniyang pagbubuntis.

“I hope everything goes well. I don’t think she has an idea that I’m gonna ask her today,” sinabi ni Greg sa video.

Credit: The Homans YouTube

Sa video makikita na nakatayo ang aktres malapit sa dagat kung saan inakala nito na magpipicture lamang sila ni Gregg ngunit ito pala ay magpropose.

“Maraming paraan para sumaya sa buhay na ‘to pero ikaw lang ‘yung kailangan ko,” pasabi nito bago ito lumuhod.

At tinanong nito ang aktres ng, “Will you marry me?”

Habang ang aktres ay tila hindi pa naiintindihan ang mga nangyayari bigla itong napasagot ng “no” at tinanong muli ito ni Gregg, sumagot ng “I don’t know” ang aktres.

Credit: The Homans YouTube

Sa pangatlong pagkakakataon na tanungin ulit ni Gregg si Angelica ay sa wakas ay napasagot na niya ito ng “Yes, I love you”.

Hindi naman nahinto ang iyak ng aktres sa labis na tuwa habang nakayakap ito kay Gregg.

“Totoo ba ‘to?” tanong ni Angelica kay Gregg na tila hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
“Bakit mo ginawa nang inaantok ako?” pabirong tanong pa nito kay Gregg.

Credit: The Homans YouTube

Apat na buwang buntis si Angelica nang magpropose si Gregg sa kanya at kamakailan lamang ay masayang sinalubong ng couple ang kanilang baby girl.

The post Angelica Panganiban, “no” ang isinagot nang unang tanungin ng boyfriend ng “will you marry me?” appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top