Kung cute at charming noon si Joshua Garcia sa bawat ginagampanang role sa pinagbibidahan niyang teleserye o pelikula, ngayon naman ay tilang nagbago ang pananaw ng karamihan sa aktor lalong-lalo na ng mga kababaihan matapos ang pagsabak niya sa Tiktok kung saan ay effortless siyang nakapaghatid ng kakaibang level ng kilig sa fans.
Credit: @garciajoshuae Instagram
Sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Joshua, masasabi talaga na isa siya sa mga matagumpay na aktor sa kanyang generation. Maliban sa kanyang angking kahusayan sa pag-arte, hindi rin maipagkakaila ang kagwapuhan at pagiging charming ni Joshua pero sa paglipas ng panahon, tila’y unti-unting nababago ng aktor ang pananaw ng karamihan sa kanya dahil ngayon ay kapansin-pansin talaga ang pangmalakasang hatak ni Joshua sa mga kababaihan.
Nito lamang nakaraang taon nang ibinahagi ni Joshua sa Tiktok ang kanyang kauna-unahang video kung saan ay sumabak siya sa challenge na “Ginseng Strip” at simula ‘nun ay nagtulog-tuloy na ang pagpapakilig ni Joshua sa nasabing platform.
Matatandaan kumakailan lamang nang naagaw ni Joshua Garcia ang atensyon ni Bella Poarch at Nicki Minaj na parehong nag-iwan ng comment sa magkaibang videos ng aktor sa Tiktok pero hindi lang pala dito natatapos ang kilig sensation ng aktor dahil pati ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ay hindi rin nakaligtas sa tinik ng nag-iisang Joshua Garcia!
Credit: @garciajoshuae Instagram
Sa latest na video ng aktor, mapapanood ang pagsabak niya sa “Spin Back” challenge kung saan ay hindi napigilan ni Pia Wurtzbach na magtapat kung bakit siya biglang napa-open ng Tiktok.
“Nag open ako ulit ng tiktok para lang dito,” comment ni Pia.
Dahil sa comment na ito ni Pia, kaagad namang nagpahayag ang fans ng aktor ng kanilang sari-saring komento kung saan ay karamihan sa mga ito ay nagsasabing dapat umano matutong pumila ang beauty queen. Iilan lamang ito sa kanilang nakakatawang mga komento:
“Tama ka na 😭 pahaba ng pahaba ang pila”
Credit: @garciajoshuae Instagram
“walang miss u miss u dto mareng pia.. sa likod po ung pila… charizz😅 love u mie😘😍”
“Teka lang naman madam Pia! Wala pong Miss U Miss U dito. Pumila po ng maayos🙄😅”
Credit: @garciajoshuae Instagram
Sa patuloy na pagsabak ni Joshua Garcia sa Tiktok, hindi talaga natin masisisi ang mga celebrities na dumadagdag sa pila dahil tunay naman kasing kakaiba at irresistible ang hatid na kilig ng aktor.
The post Pia Wurtzbach, hindi nakatakas sa kilig sensation na hatid ni Joshua Garcia sa Tiktok challenge na “Spin Back!” appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment