Thursday, October 20, 2022

Andi Eigenmann, nagbahagi ng mga latest na update sa kanilang simpleng buhay sa Siargao

Walang makakapantay sa happiness at contentment kapag kasama ang pamilya sa isang therapeutic na getaway kaya hindi talaga masisisi si Andi Eigenmann kapag nais niyang i-treasure ang bawat moment kasama ang kanyang partner at ang kanilang pinakamamahal na mga chikiting.

Credit: @andieigengirl Instagram

Maikli lamang ang buhay kaya nararapat talaga na bigyan natin ng malaking pagpapahalaga ang bawat araw na lumilipas kasama ang mga mahal natin sa buhay. Kung noon ay career-focused talaga si Andi Eigenmann, ngayon naman ay tila’y nahanap na niya ang meaning sa tunay niyang pansariling kasiyahan at ito ay ang pagkakaroon ng simple at masaganang buhay sa Siargao kasama ang kanyang pamilya.

Nagmula sa isang prestihiyosong pamilya ng mga sikat na artista sa showbiz si Andi kaya expected talaga sa kanyang sumunod sa naging yapak ng mga ito pero sa maraming taon niyang pananatili sa spotlight, tila’y nadiskubre niya na mas may isasaya pa pala sa pag-aartista at ito nga ay ang pagkakaroon ng simpleng provincial na life sa Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

Credit: @andieigengirl Instagram

Bagama’t marami man ang na-shookt sa desisyon ni Andi na lisanin ang mundo ng showbiz at iwan ang buhay sa siyudad, unti-unti namang naintindihan ng karamihan ang kanyang dahilan dahil kapansin-pansin naman sa bawat update ng dating aktres sa social media kung gaano siya kasaya sa buhay na meron siya ngayon.

Sa paninirahan ni Andi sa isla ng Siargao, mas napalapit siya sa nature at mas natutong ma-appreciate ang beauty ng simpleng buhay. Sa nakalipas na mga taon, aminado ang dating aktres na marami umano siyang self-realization at discovery katulad na lamang ng pagkakaroon niya ng interes sa surfing. Sa katunayan, kakasali lamang niya sa local na competition kung saan ay matagumpay siyang nakapasok sa unang round.

Kahit na’y abala sa kanyang training sa surfing, hindi naman kailanman nawalan ng panahon at oras si Andi sa kanyang pamilya at nito lamang ay sinulit nila ang bawat lumilipas na mga araw sa pamamagitan ng pag-eenjoy sa kanilang “island life”.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa latest na post ni Andi sa Instagram, makikita ang wholesome at precious na moments ng kanyang pamilya. Mula sa mga ngiti ng mga chikiting nila ni Philmar na sina Lilo at baby Koa, masasabi talaga na patuloy na isinasabuhay ng dating aktres ang sarili niyang definition sa salitang “life”.

“Island life lately…not much posting but lotsa living!” sulat ni Andi sa kanyang caption.

Credit: @andieigengirl Instagram

Super malaki man ang pagkakaiba sa kanyang dating buhay, mapapapansin naman ang kasiyahan at contentment ni Andi sa simpleng buhay kapiling ang kanyang munting pamilya.

The post Andi Eigenmann, nagbahagi ng mga latest na update sa kanilang simpleng buhay sa Siargao appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top