Ang anak ni Anne Curtis at Erwan Heusaff na si Dahlia ay cute na cute tignan ng kantahin nito ang sikat na Disney song na “Let it go” habang naka bihis bilang si Elsa. Isa ang “Let it go” na awitin sa main soundtrack ng sikat na palabas na Frozen.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Makikitang masaya ito habang nililibot ang kanilang tahanan suot suot ang costume bilang Elsa at nakapaa sa Instagram story na ibinahagi ni Anne. Ang nagayos din sa buhok ni Dahlia ay ang hairstylist na si Raymond Santiago.
“We are definitely in a princess stage. [Raymond Santiago] got her this dress,” caption ni Anne sa video.
Sa maiksing video rin ay makikita ang pagtanong ni Anne kay Dahlia para kantahin nito ang awit na Let it go.
View this post on Instagram
“Hi Elsa, can you sing for me?” pagudyok ni Anne sa kaniyang anak para ito ay kumanta.
Sinagot naman agad ito ni Dahlia at todo bigay sa pagkanta ng Let it go.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Kahit na hindi na makikita ang bidyo ay mabilis pa rin itong kumalat sa social media dahil sa good vibes na dulot nito. Isa sa mga nag repost ng video na ito ay fan pag na si @dahliaamelieee.
Sa re-post nito ay maraming netizens ang natuwa at nagiwan ng magagandang mensahe.
“Such a beautiful girl. Full of love and life.”
“wow pretty little princess “ELSA” you are so cute Dahlia.”
Credit: @dahliaamelieee Instagram
“The most beautiful Elsa.”
“Amazing bebe dahlee.. What a pretty little girl you have mama anne”
Taong 2017 nang ikasal si Anne at Erwan sa Queenstown, New Zealand. March 2020 naman ng dumating ang napaka-adorable nilang anak na si Dahlia. Nanatili sa Australia ang pamilya nila dulot na rin ng p@ndemya.
Sa simula pa man ay proud parents na ang couple sa mga achievements ng kanilang anak na si Dahlia. Marunong sa tatlong wika si Dahlia, Ilokano, French at English. Hindi rin ito mapili sa pagkain.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Kamakailan lang ay pinakita ni Anne na kumakain ito ng paa ng manok. Ngayon August lamang din ay pumasok na ito sa school sa unang pagkakataon.
The post Anak ni Anne Curtis na si Dahlia, todo bigay sa pag-awit ng paboritong kanta na Let It Go appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment