May mga pagkakataon talaga na inaakala nating alam natin ang bawat kaganapan na nangyayari sa buhay ng iniidolo nating celebrities pero katulad ng ordinaryong mga tao, malaki rin ang pagpapahala nila sa kanilang privacy kaya may mga bagay talaga na pinipili nilang huwag munang ipaalam sa publiko.
Credit: @donny Instagram
Galing sa isang prestihiyosong pamilya sa mundo ng showbiz si Donny Pangilinan pero sa kabila ng kanyang background at connections, nag-umpisa talaga siya sa pinakaibaba kung saan ay nagsimula siya sa pagganap ng maliliit na roles hanggang nadiskubre nga ng karamihan ang kanyang nakakabilib na talento sa pag-arte kaya ngayon ay isa na siya sa mga sikat at successful na aktor sa lokal na industriya ng showbiz dahil kaliwa’t kanan lang naman ang pinagbibidahan niyang mga pelikula ngayon at tuloy-tuloy din ang pagtanggap niya ng bagong opportunities.
Credit: @donny Instagram
Of course, dahil sa kasikatang tinatamasa ngayon ng aktor, madalas talaga siyang busy sa trabaho pero hindi naman ito naging hadlang para sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan, ginulat niya ang lahat kumakailan lamang nang ibinahagi niyang graduate na siya sa College for Global Deployment sa Washington kasama ang kanyang dalawang kapatid na sina Ella at Hannah.
Credit: @donny Instagram
“For those who don’t know, when the p@ndemic hit over 2 years ago, Ella, Hannah, and myself decided to complete our degrees together (with mine specifying in Leadership),” pahayag ni Donny kalakip ng mga larawang ibinahagi niya sa Instagram kung saan ay makikitang nakasuot silang magkakapatid ng itim na toga.
Dagdag pa ng aktor, “And today, despite the busy schedule, many sleepless nights (and fights😂), we were able to have a joint ceremony thanks to the visit of our professor, who is here in Manila for a couple of days.”
Credit: @donny Instagram
Kung tutuusin, hindi na talaga kailangan pa ni Donny na makapagtapos pa ng kolehiyo dahil sa edad na 24, nakabuo na siya ng kanyang sariling pangalan sa showbiz at isa ngayon sa mga matatagumpay na aktor sa kanyang henerasyon pero dahil sa kanyang matinding pagpapahalaga sa edukasyon, pinagsumikapan talaga niyang maka-earn ng degree at nito lamang ay graduate na!
The post Donny Pangilinan, ginulat ang netizens nang ibinahaging graduate na siya sa college! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment