Saturday, October 22, 2022

Isang single mommy, piniling manirahan tuwing weekend sa isang van para makatipid sa pagtatravel

Likas sa mga Pinoy ang magtravel at magbakasyon para mabawasan ang stress at pagod dahil sa labis na pagtatrabaho. Para makamit ang pangarap na bakasyon, marami sa atin ang todo kayod o kaya naman ay nakaplano ng mabuti ang bakasyon para maka-iwas sa malaking gastos.

Credit: Katrina Quisil Vlogs Facebook

Ang lahat ng ito ay nasoluyunan ng isang single mom-of-two na si Katrina Quisil. Naging madali ang ‘weekend getaway’ para sa mommy na ito matapos niyang maisipang bumili ng van at gawin itong house on wheels.

Breadwinner ng pamilya si Katrina at para maibigay lahat ng pangangailangan ng kanyang dalawang anak, ay kailangan nitong kumayaod at matrabaho ng doble. Sa umaga, siya ay isang pharmacist at pagsapit ng gabi, siya naman ay isang specialist ng isang BPO company.

Hindi madali at talaga namang nakakapagod ang araw araw na pagtatrabaho ni Mommy Katrina. Kaya naman nang maisipan nitong bumili ng van na nagkakahalaga ng Php 215,000.00 sa isang surplus. Agad din nitong pina-costumize ang sasakyan. Gumastos lamang ito ng Php 5,000.00 sa pagpapayos ng kaniyang van. Kasama nitong nagayos ang kaniyang kapatid at pinsan. Ngayon at nagagamit na niya ang kaniyang house on the wheels sa pagtatravel kasama ang kaniyang mga anak at kaibigan.

Credit: Katrina Quisil Vlogs Facebook

Sa panayam nito sa Summit Videos, nabanggit ni Katrina na mas naging komportable itong bumyahe at pumunta kahit sa malayong lugar dahil sigurado itong makakapagpahinga siya ng maayos sa kaniyang van.

“I love how the van gives me a comfortable space to rest whenever I want to and wherever I go to,” saad nito.

Malaki rin ang natitipid nito sa tuwing ito ay magbabakasyon dahil hindi na nito kailangan pang mag-book ng hotel at pwede rin daw itong magluto.

Credit: Katrina Quisil Vlogs Facebook

“I’m definitely saving a lot, especially with my travel expenses. I don’t need to look for a hotel and I can cook and sleep here,” saad nito.

Ngayon, laging looking forward sa weekend getaway si Mommy Katrina. Hindi lang nakakapagbigay pahinga ang kaniyang pagtatravel sa weekend, ito rin ay ang kaniyang ‘recharge button’ bago ito magumpisa ulit sa pagiging busy sa trabaho.

“My week is fully packed, and I need a breather. Van life travel on weekends gives me a break from the day-to-day stress,” aniya.

Credit: Katrina Quisil Vlogs Facebook

“It’s like a recharge button for me before I start another productive week,” dagdag pa nito.

Makikita sa mga vlog nito ang pagta-travel nito kasama ang mga anak. Ikinatuwa rin ni Mommy Katrina ang positibong pagtanggap ng kaniyang mga anak sa ‘house on the wheels’ nitong ideya.

“When kids have less, they tend to value things more,” saad ni Katrina sa kanyang vlog.

Para kay Katrina, tamang desisyon ang pagkakaroon ng house on the wheels.

Credit: Katrina Quisil Vlogs Facebook

“The past 10 years I say I’ve never lived my life like the way I should have lived it. Van life travel for me is so liberating,” aniya.

The post Isang single mommy, piniling manirahan tuwing weekend sa isang van para makatipid sa pagtatravel appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top