Kahit gaano man kahirap ang buhay, huwag na huwag talaga tayong mawalan ng pag-asa na lilipas din ang lahat ng ‘to at makakaramdam din tayo ng ginhawa. Ito mismo ang ginawa ni Rita Gaviola na kumakailan lamang ay nakatanggap ng harsh na criticisms mula sa kanyang pagiging ina sa murang edad at dahil na rin sa kanyang personal na problema pero sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan, hindi naman kailanman sumuko ang aktres at patuloy lamang na lumalaban sa buhay.
Credit: @itsritagaviola Instagram
Unang nakilala ng netizens si Rita Gaviola bilang si “Badjao Girl” nang nag-viral ang kanyang larawan na kuha mula sa Pahiyas Festival noong taong 2016. Sa parehong taon din naman na ‘yun nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother” kung saan ay nakasama niya sina Kisses Delavin, Maymay Entrata, at marami pang iba. Matapos ang kanyang exposure sa sinalihang reality show, nagtuloy-tuloy na talaga ang pag-angat ni Rita sa kasikatan at kaliwa’t kanan ang natatanggap na opportunities at projects sa showbiz.
Credit: @itsritagaviola Instagram
Habang nasa pinnacle ng kanyang career, bigla na lamang na ginulat ni Rita ang lahat nang isinapubliko niya nito lamang buwan ng August na isa na siyang ganap na ina sa anak nila ng kanyang non-showbiz na boyfriend. Marahil ay dahil sa murang edad ng aktres, marami talaga ang nawindang at nagkaroon ng sari-saring reaksyon pero ang nangibabaw talaga sa mga ito ay ang negatibong komento mula sa iilan na nagdulot umano ng labis na stress kay Rita.
Bagama’t labis man na nag-suffer sa negatibong mga komento, mas pinili naman ni Rita na maging matatag para sa kanyang anak na si baby Kia. Sa katunayan, kinakaya talaga niya ang kanyang Momshie duties sa kabila ng kanyang nararamdamang bukol sa dibdib na emosyonal niyang ikinuwento sa vlog episode ni Karen Davila kumakailan lamang. Dahil sa heartfelt na chikahan ng dalawa, marami talaga ang naantig sa storya ng 19 taong gulang na aktres at isa na sa mga ito ay ang SM Store na nagpaabot ng tulong para sa Momshie at sa kanyang anak.
Credit: @itsritagaviola Instagram
Sa tulong ni Karen Davila, nakatanggap si Rita ng 50K voucher na kaagad naman niyang ipinambili ng mga pangangailangan ni baby Kia katulad na lamang ng crib, multi-functional na walker, lamesa, high chair, mga damit at baby tub.
Ayon kay Rita, ito umano ang unang pagkakataon na nakapag-shopping siya ng ganito kalaking halaga para kay baby Kia kaya malaki talaga ang pasasalamat niya kay Karen dahil sa early pamasko nito.
Credit: @itsritagaviola Instagram
Tunay na nga sa kabila ng lahat ng pagsubok sa buhay ay ang pagdating ng sandamakmak na blessings.
The post “Badjao Girl” na si Rita Gaviola, nakatanggap ng 50K voucher na ipinambili niya ng mga pangangailangan ng kanyang baby appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment