Sa panahon ngayon, hindi na isyu para sa karamihan ang pagpaparetoke dahil hanggang gusto ito ng isang tao at ito ang nakikita nilang paraan para ma-boost ang kanilang confidence, wala talagang aalma pero may iilan namang celebrities na sa sobra nilang young-looking ay muntik nang mapagkamalang nagparetoke pero hindi ito ang sitwasyon ni Dimples Romana dahil sobrang natural lang naman ng kanyang beauty!
Credit: @dimplesromana Instagram
May mga pagkakataon talaga na natutulala na lamang tayo sa kagandahan ng isang tao. Bagama’t hindi pa man natin nakikita sa personal ang aktres at mompreneur na si Dimples Romana, hindi naman maipagkakaila ang pagiging dalaga-looking niya.
Sa buong career ni Dimples sa showbiz, marami na talaga siyang napatunayan bilang isang aktres dahil palagi lang naman niyang naaabot ang expectations ng mga manonood sa bawat role na kanyang ginagampanan tulad na lamang ng phenomenal at iconic na karakter ni Daniela Mondragon sa “Kadenang Ginto”. Dahil sa kanyang mahusay na pagbibigay-buhay sa kontrabida ng show, marami talaga ang napaniwala pero taliwas lang naman sa personality ni Daniela ang totoong Dimples Romana dahil kung heavy na makeup ang madalas sinusuot ni Daniela, mas prefer ng aktres ang minimal na makeup kaya mas lumilitaw talaga ang kanyang natural na kagandahan.
Maliban nito, mas nangingibabaw din ang positivity ni Dimples sa buhay, hindi katulad ni Daniela na punong-puno ng negativity. Marahil ay isa ito sa mga dahilan kung bakit sa edad na 38 ay nananatili pa rin ang kanyang youthful na look.
Credit: @dimplesromana Instagram
Kung ibo-browse ang Instagram feed ni Dimples, mapapansin talaga natin na ang madalas na iniiwang komento ng netizens ay ang kanyang timeless na beauty at nito lamang bago, muli na naman siyang pinagkaguluhan ng karamihan dahil sa hindi nakakasawa niyang looks.
Isa ang Machu Picchu, Peru sa bucket list ng aktres at nito lamang bago, nagawa na niyang makapunta at makabisita sa lugar kung saan ay nagbahagi siya sa Instagram ng mga larawan niyang kuha doon pero maliban sa kagandahan ng place, mas napansin talaga ng netizens ang kagandahan niya.
“Ganda mo po. Parang hindi tumatanda❤️😍”
“Parang walang 3 kiddos yung beauty ❤️”
Credit: @dimplesromana Instagram
“Grabe!!! Sing freshness ng easter!!❤️❤️❤️❤️”
“Wooooow sobrang pa dn khug ang haba ng byahe.❤️🔥”
“bat ang guunnnduhhh naman po!?❤️”
Sa sobrang dami ng challenges na ibinabato ng universe, reasonable talaga na nagkakaroon tayo ng wrinkles dahil sa stress pero sa kagandahan ni Dimples Romana, mapagkakamalan naman na tila’y hindi naman siya dumaan ng kahit anong struggles sa buhay dahil sa pagiging fresh at youthful ng kanyang face. Dahil nito, napatanong ang netizens ng, “How to be you po, Miss Dimples?”
The post Dimples Romana, pinuri dahil mukha pa ring dalaga kahit may tatlo nang anak! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment