Wednesday, May 17, 2023

Anak ni Angelica Panganiban na si Amila Sabine, pinangiti ang netizens sa cute video nito

Maraming netizen kamakailan lang ang pinusuan ang isang Instagram post ng aktres na si Angelica Panganiban kung saan ay makikitang masayang kumakain ng pakwan ang baby girl nito na si Amila Sabine Homan.

Credit: @iamangelicap Instagram

Makikita sa mga video kung gaano naenjoy ni Amila ang iniabot sa kanyang pakwan at orange ng kanyang mommy Angelica. Kasabay ng pagkain ng sanggol ang napaka-cute na pagbungisngis nito na tila kinikiliti.

“Kumapit tayong lahat sa handog na cuteness ng batang ito.. 😄sana masarap ang dinner ng lahat 💜,” isinulat na caption ni Angelica kalakip ng kanyang post.



Maraming mga artista at celebrity ang nagbigay ng positibong komenta sa ipinost na video ng aktres.

“Waaaaaaaaah imma steal herrrrrrre gaaaaaaah ang cutieeeee this angel,” komento ng sikat na designer na si rajo laurel.

Credit: @iamangelicap Instagram

“My goodness natanggal pagod ko 😭😍,” sinabi ng beauty queen turned host na si MJ Lastimosa.

Natuwa din ang new mommy na si Iza Calzado sa cute video ni Amila, “So soooooo cuuute!!! 🥰🥹🥰”

Bukod pa dito ay umapaw din sa reactions at magagandang komento mula sa netizens ang post ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Ang ilan sa mga nagkomenta ay nag-agree kung gaano kaganda ang baby girl ni Angelica. Ang iba naman ay nagsasabing nasasabik na silang makita si baby Amila na pumasok sa showbiz at gumawa ng pelikula kasama ng kanyang mommy Angelica.

Noong September 23, 2022 nang ipinamalita ni Angelica sa publiko na successful niyang naipanganak  ang kanyang unang baby noong September 20.



“Bean waiting for you all my life,” post ni Angelica kasama ng letrato ng bagong silang na anak kung saan ang mga magagandang mata lamang nito ang makikita.

Credit: @iamangelicap Instagram

Si Amila Sabine ay anak ni Angelica sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Pagkatapos ng maraming pagsubok na pinagdaanan ni Angelica ay masaya ito na sa wakas ay natanggap na nito ang kanyang pinapangarap na makahanap ng lalaking magmamahal sa kanya ng totoo at mabiyayaan ng sarili nitong anak.

The post Anak ni Angelica Panganiban na si Amila Sabine, pinangiti ang netizens sa cute video nito appeared first on Pinoy Online Portal.


Post Comments

No comments:

Post a Comment

Back To Top