Monday, October 10, 2022

Dahlia Amélie, naging cute na photob0mber sa latest na photosho0t ng kanyang Mommy Anne Curtis!

Kung may award man para sa the best na photob0mber, paniguradong si Dahlia Amélie ang mananalo nito dahil sa nag-uumapaw niyang cuteness at kakulitan nang bigla na lamang siyang sumali sa photoshoot ng kanyang Mommy Anne Curtis kumakailan lamang.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sa tuwing nababanggit ang salitang “showbiz,” tiyak na isa si Anne Curtis sa mga aktres na unang pumapasok sa ating isipan. Kung noon ay ang kanyang talento sa pag-arte ang nag-angat sa kanya sa kasikatan, nagawa naman niyang manatili sa tuktok ng kanyang career dahil sa pagiging iconic niya sa lahat ng ginagawa. Sa maraming taon na pananatili ni Anne sa industriya ng showbiz, marami siyang nadiskubre at isa na nga sa mga ito ay ang pagiging natural niya bilang isang host, magaling na performer, at matinding pagkahilig niya sa pagmomodelo.

Sa kanyang experience, masasabi talaga na isa ng pro si Anne sa ginagawa kaya kahit effortless man, hindi pa rin niya kailanman nabigo ang netizens sa result ng kanyang bawat photoshoot. Kung noon ay determinado siya na ipaghiwalay ang kanyang personal na buhay sa trabaho, tila’y may exception naman ngayon at ito ay ang chikiting nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amélie!

Credit: @annecurtissmith Instagram

Matatandaan kumakailan lamang nang nagsimula si Anne sa pagbida sa Instagram ng kanyang “It’s Showtime” OOTDs sa pamamagitan ng superb na editing skills pero sa ating pagkakakilanlan sa “IT Girl” ng Pinas, hindi lamang dito natatapos ang pagpapabilib ng aktres dahil nito lamang nakaraan, muli na naman niyang nabihag ang atensyon ng netizens nang ibinahagi niya ang mga larawang kuha sa latest niyang photosho0t.

Sa pag-aakala ng karamihan na si Anne ang highlight ng photosho0t niyang ito, kaagad na na-divert ang atensyon ng netizens kay Dahlia nang nagbahagi ang aktres ng video sa IG kung saan ay mapapanood ito na nakikisali sa kanyang photoshoot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

“Cutest photob0mber ✨,” sulat ng aktres sa kanyang caption.

Dahil sa pagiging adorable at kakulitan ni baby Dahlia, kaagad na nahumaling ang netizens sa cutie na photobomber ni Anne dahil naging instant na highlight lang naman siya sa photosho0t.

Kahit na’y bata pa lamang, mukhang masasabi na nating lahat na namana nga niya ang matinding pagkahilig ng kanyang Mommy Anne Curtis sa photosho0ts!

The post Dahlia Amélie, naging cute na photob0mber sa latest na photosho0t ng kanyang Mommy Anne Curtis! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top