Monday, October 10, 2022

Julia Barretto at Gerald Anderson, sweet na sweet sa kanilang bakasyon sa Singapore

Tapos na ang pananahimik era ni Julia Barretto tungkol sa rumors na kumakalat kumakailan lamang tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson dahil habang nasa kanilang Singapore trip, pinatunayan lang naman nilang patuloy pa rin na tumitibay ang kanilang relationship.

Credit: @juliabarretto Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang storya tungkol sa relationship ng couple na si Julia Barretto at Gerald Anderson kaya kung anu-anong klaseng rumors na lamang talaga ang pumapalibot sa kanila pero sa kabila ng lahat nito, nananatili pa rin na pinagtitibay ng panahon at ng kanilang pagmamahalan ang kanilang relasyon pero sa sandamakmak at pag-usbong ng panibagong rumor nito lamang tungkol sa kanilang hiwalayan kung saan ay involved ang leading lady ni Gerald sa pelikulang “Unravel” na si Kylie Padilla, kinakailangan din ng couple na magkaroon ng break mula sa spotlight kaya napagdesisyunan nila na magbakasyon sa Singapore.

Matapos kumalat ang rumors na buntis umano si Kylie Padilla sa anak nila ni Gerald, kaagad naman itong itinanggi ng parehong panig kung saan ay hinamon ng aktor ang netizens na maghintay na lamang umano ng siyam na buwan at kumpirmahin kung buntis nga ba ang kanyang co-actress habang simple lang naman itong tinawanan ni Padilla at sinabing “super professional” umano sila ng aktor sa kanilang trabaho.

Credit: @juliabarretto Instagram

Bagama’t itinanggi rin ni Julia ang rumor na ito, tila’y hindi pa rin tuluyang na-convince ang netizens pero ngayong magkasama ang couple sa kanilang Singapore trip kumakailan lamang, sa wakas ay natapos na ang usap-usapan tungkol sa kanilang hiwalayan lalo na nang nagbahagi ang aktres ng sweet na photos nila ng boyfriend kung saan ay makikita silang magkayakap sa harap ng sikat na 5-star hotel na Marina Bay Sands.

Sa caption naman ng aktres, ipinaliwanag niya kung bakit matagal-tagal siyang walang update dahil sobrang occupied umano siya sa bakasyon nila ni Gerald.

Credit: @juliabarretto Instagram

“Hello! Sorry no update the past few days, been on vacation mode and it’s been so nice to spend some quality time with RJ. Excited to share memories collected this weekend 🖤,” pahayag ni Julia.

Dahil sa sweet na update ng aktres sa Instagram kasama si Gerald, kaagad naman na napanatag at kinilig ang kanilang fans dahil sa kabila ng rumors tungkol sa kanilang hiwalayan, mas pinili pa rin ng couple na manatiling inlove sa isa’t-isa.

Credit: @juliabarretto Instagram

Tunay nga na kayang-kayang lagpasan ng isang couple na totoong nagmamamahalan ang lahat ng pagsubok sa kanilang relationship.

The post Julia Barretto at Gerald Anderson, sweet na sweet sa kanilang bakasyon sa Singapore appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top